Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Chynna kaduda-duda ngayon

Chynna kaduda-duda ngayon

Dingdong Dantes

TINUPAD ni Dingdong Dantes ang pangako niya sa close friend niyang si Michael Angelo na ige-guest niya ito sa “Pari ’Koy.” Lumabas na ang karakter ni Michael Angelo bilang isang pari rin na kasama ni Father Kokoy (Dingdong) sa isang retreat house.

May sariling show si Michael sa GMA News TV Channel 11. Siya ang host ng “Hashtag Michael Angelo (#Michael Angelo)” na napapanood every Saturday, 3 to 4 p.m.

Joke nga niya, noong sabihin sa kanya ni Dingdong na ige-guest siya sa “Pari ’Koy,” ipinag-pray niya na sana raw, bago matapos ang naturang serye ay makapag-guest siya.

Bukod kay Michael Angelo, dagdag na karakter din sa “Pari ’Koy” sina Louise de los Reyes at Frencheska Farr. Magkasama sila sa retreat house na pinagdalhan ni Father Kokoy kay Beth (Louise).

Happy nga pala at thankful si Dingdong na ang teleserye niyang “Ang Dalawang Mrs. Real” ay nanalo ng Silver Screen Award for Telenovela category mula sa 2015 US International Film and Video Festival. Nakasama ng Kapuso Primetime King sa ADMR sina Lovi Poe at Maricel Soriano.

Chynna Ortaleza

Tomboy talaga?
Sobrang convincing si Chynna Ortaleza sa lesbian role niya bilang Batchi Luna sa “The Rich Man’s Daughter.” Marami na tuloy ang nagdududa na baka raw totoong tomboy siya, ayaw pa lang niya mag-out.

Natatawa na lang si Chynna kapag sinasabihan siya ng ganito. Aniya, sigurado siya sa kanyang gender. Girl na girl pa rin siya sa puso’t isipan.

“I’m just really trying my best to represent this kind of… parang type of lesbian roles. Malaking breather ito sa akin. Kasi hindi madaling pasukin ito,” ani Chynna.

Kapansin-pansin din na very immersed si Chynna sa kanyang karakter. Aniya, may mga adjustment pa rin siyang ginagawa at patuloy niyang pinag-aaralan. Patuloy ang pagri-research niya. Nakikipag-usap siya sa mga lesbian, nanonood ng lesbian films at nagbabasa about them na pwedeng idagdag sa pag-portray niya bilang Batchi Luna.

“Tina-try kong pick-up-in at ipinapasok ko para kay Batchi,” she said. Naging close na rin si Chynna kina Katrina Halili, Sheena Halili at Glaiza de Castro na co-stars niya sa TRMD. Kamakailan ay nag-bonding sessions sila bilang huling hirit sa pagtatapos ng summer. Nag-workout sila, nag-running at nag-dining. Nag-organize rin sila ng photo shoot.

Be careful na sana
Matapos i-deny ni JC de Vera na walang break-up na nangyari sa kanila ni LJ Reyes dahil hindi naman naging “sila,” nali-link naman ngayon si LJ kay Paolo Contis.

Sana this time, maging careful na si LJ at hintayin niyang maunang magsalita si Paolo kung anuman ang totoong namamagitan sa kanila ngayon. Baka maulit ang ginawa sa kanya ni JC at masaktan na naman siya.

Sabi ni LJ, no time muna siya sa love life at focused muna siya sa pagpapalaki at pag-aalaga sa anak niyang si Aki (father is Paulo Avelino) at sa kanyang career. Tingnan natin kung mapapanindigan ’yun ni LJ.

Kung lovable at sweet-sweet-an siya in real life, kabaliktaran ng karakter niya bilang Flora sa “Yagit.” Kontrabida siya at kinaiinisan ng televiewers ang pagiging maldita niya.

comments