Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Matteo always assures Sarah she’s beautiful

Matteo always assures Sarah she’s beautiful

SARAH Geronimo

ITINANGGI ni Matteo Guidicelli na nagkakalabuan ang relasyon nila ni Sarah Geronimo. Aniya, noong nag-guest siya sa “Aquino & Abunda Tonight,” okey sila ni Sarah.

Super proud si Matteo sa kanyang girlfriend at gandang-ganda siya kay Sarah. Hindi raw alam ni Sarah na maganda siya, kaya parati niyang sinasabi ’yun sa kanyang GF.

Ayon pa kay Matteo, hindi na siya nagtataka kung marami ang gustong manligaw kay Sarah. Aniya pa, more open ngayon si Sarah sa pagsasabi ng nararamdaman nito. More mature now and independent. Hindi kaya dahil nai-influence ni Matteo si Sarah?

This Saturday (July 11) na ang concert ni Matteo with JC de Vera and Daniel Matsunaga sa Music Museum. Hindi siya sure kung manonood si Sarah. May trabaho raw kasi ang GF niya.

Who knows, baka sorpresahin siya ni Sarah? If there’s a will, there’s a way, di ba? Kung gusto, may paraan. Kung ayaw, may dahilan.

Hindi pa rin napapanood ni Matteo ang “The Breakup Playlist” nina Sarah at Piolo Pascual kaya nag-suggest si Kris Aquino na magpa-block screening siya. Sundin kaya siya ni Matteo?

Carla Abellana

Insecure?
Kinakabog na nga ba si Carla Abellana sa pagtatambal nina Tom Rodriguez at Megan Young sa “Marimar”? May mga nang- iintriga na agad na hindi raw kaya matulad sina Tom at Megan kina Dingdong Dantes at Marian Rivera na nagkadebelopan at nagka-in love-an noong nagkatrabaho sila sa unang Pinoy adaptation ng “Marimar”?

That time, parehong “taken” sina Dingdong at Marian. Ganito rin ngayon sina Tom at Megan. Ayaw nga lang nilang umamin na may “something” sila with Carla and Mikael Daez, respectively.

Ang press release ni Carla, malinaw sa kanila ni Tom ang kinalulugaran nila sa buhay ng isa’t isa. Isa si Tom sa mga inspirasyon niya ngayon at tumutulong para magpapayat siya.

Sabay silang nagwo-workout. Kinakarir ito ni Tom para ma-attain ang beach body. Maraming eksenang nakahubad ang Kapuso actor bilang Sergio Santibañez sa “Marimar.”

Ayon kay Carla, hindi siya nai-insecure o nakakaramdam ng selos kay Megan. She’s happy for her and Tom dahil magandang project ang ibinigay sa kanila ng GMA.

Samantala, nagtatanong naman ang fans ni Carla kung babalik daw ba ang karakter niya bilang Michelle sa “Pari ’Koy”?

Pinalabas sa istorya na lumayo na siya at iniwan niya kay Father Kokoy (Dingdong Dantes) ang anak nilang si Pinggoy (David Remo). Umaasa pa rin ang bata na babalik ang kanyang nanay at mabubuo ang kanilang pamilya. Matupad kaya ’yun?

comments