Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Zia, dismayado kay Zsa Zsa

Zia, dismayado kay Zsa Zsa

ANGEL Locsin

LAGARE si direk Joyce Bernal sa dalawang proyektong ginagawa niya ngayon. Nagsu-shoot siya ng pelikulang magkasama sina Governor Vilma Santos-Recto at Angel Locsin under Star Cinema. Nasimulan na rin niya ang “My Faithful Husband,” upcoming primetime series ng GMA7 at balik-tambalan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Kung nanigas si direk Joyce noong story conference ng MFH dahil magkatabi sila ni Dennis sa upuan, inamin naman ng Kapuso Drama King na sobrang excited siya noong first taping day nila. First time sila magkatrabaho ni direk Joyce na aniya, bago sila nagsimula mag-taping ay kinausap muna siya ni direk Joyce.

“Parang ako mismo ‘yung karakter ko sa series namin ang kausap niya. Para raw mas maramdaman ko at mas malaman kung saan siya nanggagaling at ano ‘yung malinaw na obligasyon na kailangang makita sa eksena,” lahad ni Dennis.

Exotic dancer
Bagong karakter na papasok sa “Pari ‘Koy” si Andrea Torres na gaganap bilang isang exotic dancer/escort girl na magiging kaibigan ni Father Kokoy (Dingdong Dantes). Mauugnay siya sa ama nitong si Don Manuel (Spanky Manikan).

“This is definitely something different from the roles I usually play,” ani Andrea. “Wala pa siya sa comfort zone ko, pero siyempre, masarap ‘yung feeling na parati kang natsa-challenge sa mga ginagawa mo.”

Dagdag pa ng Kapuso star, happy siya dahil makakatrabaho niya muli si Dingdong Dantes. Una silang nagkatrabaho sa “My Beloved” kung saan gumanap siya bilang best friend ni Marian Rivera.

zia and zsa zsa

Ayaw na?
How true na diumano, ayaw na ni Zia Quizon ipagpatuloy ang kanyang singing career? Diumano, nawalan na raw ito ng gana simula nang nawala ang kanyang daddy Dolphy.

Ayon sa source, affected din diumano si Zia na may bago nang lovey ang kanyang mama Zsa Zsa Padilla. Happy na muli ang lovelife ni Zsa Zsa sa piling ng boyfriend niyang si Architect Conrad Onglao. Nagli-live-in na sila at iniwan na ni Zsa Zsa ang dating love nest nila ni Mang Dolphy sa Marina Bay. Sina Zia at Nicole ang nakatira doon ngayon, ayon pa sa source.

Dagdag pa nito, gusto raw sana ipagbili ni Zsa Zsa ang bahay sa Marina Bay subalit mahigpit na tinutulan ‘yun ni Zia.

Sayang naman kung totoong ayaw na ni Zia ipagpatuloy ang kanyang singing career. Maganda ang singing voice niya and chances are, magiging big star siya o magiging Divine Diva tulad ng kanyang mama Zsa Zsa. Sayang naman ang talent ni Zia kung isasantabi na niya.

comments