Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Luis, martir sa pag-ibig

Luis, martir sa pag-ibig

Luis Alandy

HAPPY muli ang lovelife ngayon ni Luis Alandy. Isang non-showbiz girl ang kanyang inspirasyon at nagpapasaya ng puso niya. Anang Kapuso actor, todo siyang magmahal to a point na may pagka-martir siya.

“Kapag mahal mo kasi ang isang tao, may mga bagay na ginagawa mo para sa kanya. You do things na hindi mo naman normally ginagawa. You want to prove your worth, na you’re more than that,” lahad ni Luis.

Aniya pa, somehow ay nakaka-relate siya sa karakter niya sa “The Rich Man’s Daughter” bilang David. Self-less siya, ayon kay Luis. Minsan nga raw ay nahihirapan siyang i-downplay ang kanyang karakter dahil aniya, parang hindi na real.

Asawa niya sa TRMD si Rhian Ramos (Jade) na isang lesbiyana. Sobrang mahal niya ito kahit iba ang mahal nito, si Althea (Glaiza de Castro) na isa ring lesbiyana.

Magagawa ba niyang magmahal ng isang tomboy sa tunay na buhay? “Tingnan natin. Hindi ko masabi,” nakangiting sabi ni Luis.

Julia Barretto ang peg?
Hindi kaya maging nega (negative) rin ang dating ni Ryle Paolo Santiago sa sinabi niya sa isang interbyu na gusto niyang palitan ang apelyido niya? Biological father niya si JunJun Santiago na kapatid nina Randy, Rowell at Raymart.

Si Sherilyn Reyes ang biological mother ni Ryle at gusto niyang maging Tan ang apelyido niya, gaya ng kanyang stepdad na si Chris Tan.

Sobrang close sila ng kanyang stepdad, ayon kay Ryle at parang tunay na mag-ama ang turingan nila, kaya gusto niyang maging Tan na rin ang apelyido niya.

Bago pa lang nag-aartista si Ryle at kasama siya sa cast ng #Parang NormalActivity na napapanood every Saturday sa TV5 at 8 p.m. Si Julia Barretto kaya ang peg ni Ryle? Hindi kaya siya matulad kay Julia na naging nega ang dating? Nag-petisyon si Julia na Barretto ang gusto niyang apelyido sa halip na Baldivia na apelyido ng biological father niyang si Dennis Padilla.

Bad breath?
Akala namin, sinisiraan lang ang isang not so young actor (NSYA) ng kanyang detractors dahil sa inggit sa kanya. Naba-blind item ito na kesyo may poor hygiene. Na kesyo, bad breath. Hindi kaya may BO (body odor) din ang NSYA? Hindi kaya may “putok” din ito sa kili-kili? Yuck!!!

Pero mismong driver ng isang actor na sobrang linis naman sa katawan ang nakakuwentuhan ng source namin. Tsika ng driver, ang hahaba at ang dudumi raw ng mga kuko sa kamay at paa ng NSYA. ‘Yun daw ang napapansin ng driver kapag nakikita niya ito sa set ng isang serye. Mukhang dugyut na dugyot ito kapag dumarating sa set.

Kapag nagsasalita naman daw ang NSYA, parang gusto na siyang iwasan ng mga kausap niya dahil bad breath daw ito. Wala naman daw gustong magsabi sa NSYA dahil nahihiya ang mga ito at baka ma-offend ang NSYA. Paano kaya kung may kissing scene ang NSYA sa kanyang leading lady? Tiis-tiis na lang kaya sa bad breath nito?

comments