Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Intriga kina Jolina at Claudine lumalaki

Intriga kina Jolina at Claudine lumalaki

Jolina MagdangalSINO kaya ang pinasaringan ni Bea Binene sa post niya sa kanyang Twitter account na sinungaling? Dapat daw na aminin nito kung talagang may “something” itong ginawa. Hindi raw ito dapat magsinungaling para lang makuha ang simpatiya ng lahat.

May pruweba raw siya (Bea) at may mga tao raw na alam lahat ang katotohanan. Mas mabuti raw na aminin na lang nito (kung sino man siya) kesa palabasing stupid at sinungaling ang mga taong nakakaalam ng katotohanan.

Hindi kaya si Jake Vargas ang pinasaringan ni Bea? Sa presscon kasi ng “Buena Familia,” may pahayag ang Kapuso star na okey naman sila ni Bea nang may nagtanong sa kanya tungkol sa kanyang ex-girlfriend. Sinabi pa ni Jake na tinetext pa rin niya si Bea at kinukumusta. Hindi nga lang daw ito nag-re-reply. Sabi pa ni Jake, walang third party sa break-up nila ni Bea.

Eh, bakit kaya naisulat sa ibang tabloid na diumano’y pinagsabay ni Jake si Bea and his non-showbiz girlfriend na taga-Olongapo raw? Diumano, nabuking ‘yun ni Bea, kaya nakipaghiwalay siya kay Jake.

Away
Mukhang “nangangamoy” away sa kampo nina Claudine Barretto at Jolina Magdangal. Super react ang fans ni Claudine sa pahayag ni Jolina tungkol sa naging working relationship nila ni Claudine noong nagkasama sila sa “Iglot,” teleserye ng GMA7.

Ang dating sa kanila, siniraan ni Jolina si Claudine. Nagpakatotoo lang naman si Jolina sa nagging saloobin niya nang tanungin siya sa isang presscon. Nag-react din diumano si Claudine at diumano’y tinawagan pa niya si Jolina. Hindi raw nag-reply ang huli.

Hindi raw nagustuhan ni Claudine na inungkat pa ni Jolina ang naging working relationship nila sa “Iglot.” Eh, ang tagal na raw nu’n. Bakit daw itinaon pa ‘yun sa pagbalik-showbiz niya? May maganda naming sinabi si Jolina about Claudine, bakit hindi ‘yun na-appreciate ni Claudine and her camp?

In fairness to Jolina, hindi niya ‘yun itinaon sa pagbalik-showbiz ni Claudine. Nagkataon lang na may presscon siya at du’n siya natanong ng entertainment press. No bad intention si Jolens at wine-welcome pa nga niya ang pagbalik-showbiz ni Claudine. Good vibes na lang sana, wala nang negativity para everybody happy.

Bagong love team
Out of curiosity, pinanood naming sina Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) sa “Eat Bulaga.” Pinag-uusapan kasi ngayon ang love team nilang AlDub. ‘Kaaliw ang pakilig moments nila sa “Problem Solving” kasama si Wally Bayola bilang lola Nidora. Patok ang dubsmash videos nina Alden at Yaya Dub na nagpapa-cute sila sa isa’t isa.

Wala mang teleserye ngayon si Alden, araw-araw naman siyang napapanood sa “Eat Bulaga.” Kasama rin siya sa “Sunday PinaSaya” na mapapanood sa August 9 kapalit ng “Sunday All Stars.” Monday to Sunday na siya mapapanood. Bongga! May inggit factor kaya ito sa ibang Kapuso stars?

Kasama ni Alden sa “Sunday PinaSaya” sina Marian Rivera, Ai-Ai delas Alas, Julie Anne San Jose, Barbie Forteza, Jose Manalo, Wally Bayola, Joey Paras, Jerald Napoles at Valeen Montenegro (dating taga-TV5).

comments