Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » La Aunor namimigay ng pera

La Aunor namimigay ng pera

nora aunor

HINDI sang-ayon si Nora Aunor sa sinasabi ng ibang artista na kapag co-nominees nila ang superstar sa mga award-giving body ay malabong manalo sila. Feeling nila’y sure winner na si Guy.

“Hindi naman,” pa-humble na sabi ng superstar nang nakausap naming sa taping ng “Pari ’Koy” at hingan siya ng komento kaugnay nu’n.

“Lahat ng artista’y magagaling. Nagkakataon lang siguro na magaganda at challenging roles ang naibibigay sa akin. Depende ’yun sa role at project, at siguro sa criteria ng mga namamahala ng award-giving body.”

Aniya pa, may mga pagkakataong nominated siya, pero ibang aktres ang nanalo. Hindi big deal ’yun sa kanya at maluwag sa puso niyang tanggapin ang pagkatalo niya.

Totoo bang ipinamimigay niya ang kanyang talent fee sa production staff?

“Ayokong may hawak na pera (laughs). Naipamimigay ko lang. Masaya naman ako sa ginagawa ko. Hindi ko naman ’yun madadala pag namatay ako.”

Totoo bang magiging Kapuso na siya? “Ayokong may kontrata. Kung sakali, pag-aaralan ko muna,” sambit ni Guy.

Sakaling kumandidato si Senator Grace Poe for president, susuportahan ba niya?

“Ay, oo naman!” mabilis na sagot ni Guy. “Madali siyang (Grace) lapitan. Maunawain at naniniwala ako sa kakayahan niya.” So, there!

Handa na sa kissing scene
Ngayong 18 years old na si Barbie Forteza, nagpapahiwatig na siyang handa na siya para sa kissing scene. If ever, ang ultimate crush niyang si Dennis Trillo ang gusto niyang maging first screen kiss, kilig-kiligang sabi ni Barbie sa isang interbyu.

NBSB (no boyfriend since birth) si Barbie, kaya never been kissed, never been touched siya. Proud siyang sabihing certified virgin siya.

Long-time dream ni Barbie na makatrabaho si Dennis at wish niyang pagbigyan siya ng GMA.

Why not? Pwedeng May-December affair for her and Dennis. Over 30 years old na si Dennis. Pero kahit daw magkapatid sila o magbarkada, okey na kay Barbie. Basta makatrabaho lang niya si Dennis.

By the way, pilot telecast ngayong Lunes ng “My Faithful Husband” na reunion project nina Dennis at Jennylyn Mercado.

Iba ang dating
Wala pang bagong teleserye si Glaiza de Castro matapos ang “The Rich Man’s Daughter.” Ang pagso-show abroad ang pagkakaabalahan niya muna habang naghihintay ng bagong project.

May mga nakaiskedyul siyang series of shows sa Hong Kong, Singapore, Dubai, Canada, USA at iba pang bansa.

Ani Glaiza, memorable ever ang karakter niya bilang Althea sa TRMD. Most challenging role raw na ginampanan niya bilang isang lesbian.

Alam kaya ni Glaiza na matindi ang attraction niya sa co-actor niyang si Mike Tan (gumanap bilang Paul)? Ani Mike, kakaiba ang dating sa kanya ni Glaiza.

Kung wala sigurong girlfriend si Mike, gusto naming isiping baka niligawan niya si Glaiza. Haba naman ng hair ni Glaiza dahil smitten din sa kanyang charm si Benjamin Alves.

Mapapanood si Benjamin sa “Beautiful Strangers” na pilot episode tonight sa GMA Telebabad.

comments