Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Janine named Youth Advocate

Janine named Youth Advocate

PAREHO ang pinagdaraanan ngayon ng magkaibigang Mariel Rodriguez at Pokwang. Pareho silang nagka-miscarriage.

Naunang nakunan si Pokwang several weeks ago sa first baby sana nila ng American boyfriend niyang si Lee O’Brien.

Kinumpirma ito ni Lee sa interbyu sa kanya ni MJ Marfori sa “Showbiz Konek Na Konek.”

Ani Lee, bagaman nalungkot sila ni Pokwang, naging strong naman ito sa pagtanggap sa nangyari. Ayon pa kay Lee, hindi nagbago ang pagmamahal niya kay Pokwang. “I love her unconditionally,” he said.

Dumating kamakailan sa bansa ang American actor at inalok siya ng TV5 ng isang show na pagsasamahan nila ni Tuesday Vargas. Nakapag-taping na sila at mapapanood next month ang first TV show ni Lee sa Pilipinas.

Matatandaang nagkasama naman sa pelikulang “Elsa Woodworth” sina Pokwang at Lee kung saan nagsimula ang maganda nilang pagtitinginan hanggang naging officially together sila.

Seksing buntis
Mga soon-to-be mommies naman sina Marian Rivera, Judy Ann Santos, Bianca Gonzalez, Angelika dela Cruz, Empress Schuck, and who else?

Pinakaseksing buntis si Marian. Nag-post pa siya sa social media accounts nila ni Dingdong Dantes ng picture nilang mag-asawa na naka-two piece swimwear si Marian. Kita ang kanyang baby bump.

Kuha ang larawan ng Dantes couple sa Pamalican Island, Amanpulo, Palawan kung saan nag-celebrate ng kanyang 31st birthday si Marian noong Aug. 12. Bukod sa Palawan trip, niregaluhan pa ni Dingdong ang kanyang preggy wife ng pearl necklace with matching bouquet of flowers.

By the way, final week ngayon ng “Pari ’Koy” at special guest si Nora Aunor. Ani Dingdong, sobrang thankful siya na nakatrabaho niya ang superstar. Sana raw ay maulit pa.

Abangan ang mga kaganapan sa pagtatapos ng “Pari ’Koy” ngayong Biyernes.

Magiging abala naman si Dingdong sa pagho-host ng “Starstruck” na magsisimula ngayong September sa GMA7.

janine gutierrez

Youth ambassadors
Sa nakaraang celebration ng International Youth Day (Aug. 12), binigyan ng special recognition si Janine Gutierrez ng National Youth Commission (NYC) bilang Youth Advocate kaugnay ng 1st Youth Leading Others (YoLo) Awards.

Isa si Janine sa mga napiling Youth Ambassadors para magbigay ng inspirasyon at maging role model ng mga kabataan. Ani Janine, isang malaking karangalan at challenge sa kanya ang tiwala na ibinigay sa kanyang NYC.

Gagawin daw niya ang lahat ng kanyang makakaya para maging magandang ehemplo sa mga kabataan, lalo na pagdating sa kahalagahan ng edukasyon.

Dumalo rin sa naturang event si Derrick Monasterio na isa ring Youth Ambassador ng NYC, headed by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes bilang Commissioner-at-Large na of course ay present din sa event na ginanap sa Sky Dome, SM North EDSA.

comments