Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Dawn, binuking si Goma

Dawn, binuking si Goma

Dawn Zulueta

GALING talaga magpaamin ni Vice Ganda sa totoong dahilan ng hiwalayan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta. Guests ang dalawa sa “Gandang Gabi Vice” together with Bea Alonzo. Diretsong tinanong ni Vice si Goma kung niloko ba nito si Dawn na hindi agad nakasagot ang aktor.

“Yang gandang ‘yan ni Dawn, nakuha mo pa siyang lokohin,”sundot uli Vice. “Marupok ako. Bata pa ako noon,” palusot ni Goma. Hindi raw niya maiwasan ang mga lumalapit at pinagbibigyan niya.

Hindi kinontra ni Goma ang sinabi ni Vice na may mga artistang sumingit, pero ang palusot uli ng aktor, nakalimutan na niya kung sinu-sino ang mga ‘yun. Chos! Pero sabi ni Dawn, alam niya kung sinu-sino ang mga ‘yun. Tinanong raw niya si Goma dahil may mga nakakarating sa kanya. Pero nag-deny ito. Pinaniwalaan naman niya si Goma. Super in labey (in love) kasi that time si Dawn sa aktor.

After two years, hindi na siya nakatagal at nakipaghiwalay siya kay Richard, ayon kay Dawn. Now, they’re both happily married sa kanilang respective spouses. Ani Dawn, pinatawad na niya si Goma.
Naging girlfriend din ni Richard si Sharon Cuneta at maganda rin ang kanilang love story. Ang tanong, sino kaya ang mas minahal ni Goma?

Phenomenal

Super sikat na talaga si Yaya Dub (Maine Mendoza). Ang daming interesado at gusto siyang makita sa personal. Parami nang parami ang tumututok sa kanilang TV sets kapag “Juan for All, All for Juan” segment na ng “Eat Bulaga.”

Phenomenal ang pagsikat ni Yaya Dub na kahit saan kami magpunta’y siya ang itinatanong sa amin. Hindi pa rin namin siya nakikita sa personal at sana lang, kapag finally ay nagkita na sila sa personal ni Alden Richards ay sabay sila ipainterbyu sa entertainment press. Hindi na talaga maawat ang kasikatan ng AlDub love team.

Inaabangan din kung mapagbibigyan ng Ginebra San Miguel ang napakaraming requests ng Ginebra fans na kuning muse si Yaya Dub ng Barangay Ginebra basketball team sa opening ng bagong season ng PBA (Philippine Basketball Association). Bongga ka, Yaya Dub!

‘Kaaliw din si Wally Bayola bilang Lola Nidora. Nakabawi siya at sumikat pa matapos siyang masangkot sa isang sex video scandal a few years back.

Top 1

Galing naman ni Bea Binene. Sa lumabas na resulta ng NCAE (National Career Assessment Examination) na kinuha niya last year ay siya ang nakakuha ng pinakamataas na marka.

Nakakabilib na sa kabila ng kanyang kaabalahan ay naisasabay ito ni Bea sa kanyang pag-aaral. Aniya, time management lang ‘yun. Set aside muna ang lovelife.

Tanong lang ng fans ni Bea, kailan daw nila mapapanood ang kanilang idolo sa isang bagong teleserye. Tila may inihahandang proyekto na pagsasamahan nila ni Derrick Monasterio. For now, napapanood sila sa “Vampire ang Daddy Ko” with Vic Sotto.

comments