Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Direk takot ma-bully ni Derek

Direk takot ma-bully ni Derek

direk

DREAM come true kay direk Gino Santos na makapagdirek ng mainstream movie. Aniya, overwhelming, exciting, at the same time, takot siya sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng Star Cinema. Sa kanya ipinagkatiwalang pamahalaan ang “Ex with Benefits,” launching movie ni Coleen Garcia with Derek Ramsay as her leading man.

Ayon sa youthful direktor na bagets na bagets ang dating, noong una’y natakot siyang katrabaho si Derek. Big star na raw kasi ito at inisip niyang baka i-bully siya ni Derek kapag nasa set sila. “Ako pala ang mambu-bully sa kanya
(laughs). Sobrang saya katrabaho si Derek,” pahayag ni direk Gino noong presscon ng “Ex with Benefits.”

Ayon naman kay Derek, malaki ang respeto at tiwala niya kay direk Gino. Thankful ang hunk actor sa Star Cinema for
giving him the project. “I’m excited to be back and work again with Star Cinema. I hope may kasunod pang project.
Dito ako natutong umarte at naging Derek Ramsay. I’m glad to be back,” lahad ni Derek.

Dalawang pelikula ang nagawa niya sa naturang movie arm ng ABS-CBN, “Praybet Benjamin” at “No Other Woman.” Isa naman sa Skylight Films (sister company ng Star Cinema), “Corazon: Ang Unang Aswang.”

First movie

Unang pelikula ni Meg Imperial sa Star Cinema ang “Ex with Benefits” at isang kontrabida ang role niya. Una siyang napanood sa “Moon of Desire” sa ABS-CBN. Matapos ang naturang afternoon series, nag-lie low si Meg sa showbiz for a while dahil aniya, nagkaroon siya ng problema. Kung anuman ’yun, hindi na sinabi ni Meg. Basta aniya, recovering na siya ngayon.

Hindi kaya sa love life o sa family nagkaproblema si Meg? Na-link siya noon kay JM de Guzman at almost there na sila. But then, nagkabalikan sina JM at Jessy Mendiola. May konek kaya ’yun sa pinagdaanan noon ni Meg?

In any case, nag-enjoy si Meg katrabaho sina Derek Ramsay at Coleen Garcia sa “Ex with Benefits.” Masaya at magaan daw katrabaho ang mga ito. Aniya, hindi basta kontrabida ang role niya. May pinanggalingan ang karakter niya para maintindihan ang ipinaglalaban niya. Isa lang ang kissing scene nila ni Derek, kumpara kina Coleen at Derek. Ayon sa huli, marami silang intimate scenes sa entire movie.

Handa na

Derrick Monasterio turned 20 years old on Aug. 1 at handa na siyang magpaseksi. Isa siya sa mga rarampa sa Cosmo
Bachelors Bash na gaganapin on Sept. 5 sa MOA (Mall of Asia) concert grounds. Magiging bahagi si Derrick ng Cosmo
Centerfolds kasama sina Daniel Matsunaga, JC de Vera, Elmo Magalona, among others.

Bilang paghahanda sa gaganaping event, kinarir ni Derrick ang pagwo-workout para ma-achieve ang sexy body. Handa na rin siya sa mga sexy role. Any taker?

Judge

Isa si Jennylyn Mercado sa mga judge sa upcoming season ng “Starstruck” na mapapanood next month sa GMA7. Parang kailan lang, isa si Jen sa mga nag-audition noon sa “Starstruck 1” at siya ang tinanghal na Ultimate Female
Survivor. Si Mark Herras ang Ultimate Male Survivor.

Since then, marami na ang nabago sa buhay at career ni Jen. Bilang judge ng “Starstruck,” base na rin sa kanyang karanasan sa naturang artista-search, marami siyang maibabahagi sa Top 35 hopefuls.

comments