Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Ryan and Juday to name coming baby Juana Luisa

Ryan and Juday to name coming baby Juana Luisa

ryan and juday

BABY girl ang isisilang ni Judy Ann Santos.

Pangatlong anak nila ito ni Ryan Agoncillo.

’Yan ang ipinost ng mag-asawa sa kanilang respective Instagram accounts.

Juana Luisa ang name ng baby at Luna naman ang palayaw.

Juday is five months pregnant.

Bale magiging dalawa na ang anak na babae nina Ryan at Juday.

Si Yohan (adopted daughter) ang panganay at si Luna.

Si Lucho ang only boy at pangalawang anak (kung tutuusin ay panganay) nina Ryan at Juday.

Hindi lang sina Ryan at Juday ang excited na makita ang bagong baby nila, pati sina Yohan at Lucho.

Madadagdagan na naman ang saya sa pamilya Agoncillo.

Excited

May napili na ring pangalan sina Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa first baby nila na isisilang ni Marian sa November.

Baby girl ang panganay nila at ipapahayag ni Marian ang name sa kanyang baby shower.

Maria ang unang pangalan at abang-abang nalang sa second name ng baby.

Excited expectant dad si Dingdong.

Noong nagpunta siya sa New York para sa GMA Pinoy TV Kapuso Mall Show, he took time out na bumili ng mga pasalubong para sa baby nila ni Marian.

Nagpunta si Dingdong sa Babies R Us toy store kung saan sari-saring kagamitan para sa baby ang binili niya.

Hindi pa nga lumalabas ang bagets, ang dami na niyang gamit, ano pa kaya kung isinilang na siya hanggang paglaki niya?

First time

First time ni Derrick Monasterio rumampa sa Cosmo Bachelor Bash (Cosmo Carnival) na ginanap sa MOA (Mall of Asia Arena).

Kabilang si Derrick sa Cosmo Centerfolds na rumampa, kasama ang kapuwa niya GMA Artist Center star na si Elmo Magalona.

Ayon kay Derrick, four months niyang pinaghandaan ang pagrampa sa Cosmo Bash.

Nag-diet siya, no meat, fish at chicken lang ang kinain niya.

Nag-work out din siya at panay ang pagba-basketball.

Ani Derrick, thankful siya sa Summit Media at “Cosmo” magazine na nagging bahagi siya ng ginanap na event.

“Isang malaking karangalan para sa akin at proud na napili ako para rumampa,” saad ni Derrick.

Back-to-back

Happy ang cast ng “Lola Basyang.com” at “#Paranormal Activity” dahil base sa NUTAM Top Evening Programs ng Nielsen TV Audience Measurement, parating kabilang sa Top 10 Most Watched Evening Programs ang “Lola Basyang.com” habang ang “#Paranormal Activity” ay nakakasama sa Top 13.

Maganda ang feedback sa back-to-back programs ng TV5 na tamang timpla para sa buong pamilya.

Kinagigiliwan ang mga traditional Filipino folk tale na hatid ng “Lola Basyang.com” sa bawat episode nito, samantalang parating nagte-trending sa twitter ang “#Paranormal Activity.”

Napapanood ang back-to-back programs every Saturday, “Lola Basyang.com” at 7 p.m. followed by “#Paranormal Activity” at 8 p.m.

Mall show

May mall show this Sunday at 5 p.m. ang “MariMar” stars na sina Megan Young, Tom Rodriguez at Dion Ignacio sa Robinson’s Place, Antipolo City.

Sugod, mga Kapuso, at makisaya sa mga idolo n’yo.

comments