Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » FabKen vs TomDen: Sino’ng mas mainit?

FabKen vs TomDen: Sino’ng mas mainit?

Ken Chan

SA Monday (Sept. 14) pa ang simula ng airing ng “Destiny Rose,” pero may nabuo na agad love team nina Fabio Ide at Ken Chan, ang FabKen.

Matalbugan kaya nila ang TomDen “love team” nina Tom Rodriguez at Dennis Trillong “My Husband’s Lover”?

Maging kasing init din kaya ang pagtanggap sa “Destiny Rose” kung saan si Fabio ang love interest ni Ken?

Finale week ngayon ng “Healing Hearts” kung saan kasama sa cast si Ken at sobrang thankful siya sa GMA7 na agad-agad ay may follow-up project siya.

Biggest project ever niya ang “Destiny Rose” na kapalit ng “Healing Hearts.”

Feeling lucky si Ken dahil aniya, nakaka-three years pa lang siya sa pinirmahan niyang kontrata sa GMA7 ay nabigyan na siya ng pagkakataong magbida at title role pa ang pinagkatiwala sa kanya sa isang serye.

May one-year contract pa siya sa Kapuso Network.

Nag-umpisa si Ken sa “Tweenhearts” at naging mainstay siya sa “Walang Tulugan with the Master Showman” ni German Moreno.

Sinanay siya ni Kuya Germs sa acting, singing, dancing at hosting.

Kasama ni Ken sa “Destiny Rose” sina Katrina Halili at Sheena Halili na very supportive sa kanya.

Ani Ken, binibigyan siya ng tips ni Katrina paano maging sexy.

Tinuturuan naman siya ni Sheena ng tamang kilos at pananalita ng isang babae.

Transwoman ang role ni Ken sa “Destiny Rose” at kasama rin sa cast sina Manilyn Reynes (as his mom), Joko Diaz (as his dad), Michael de Mesa, JC Tiuseco, Jackielou Blanco, Irma Adlawan at Jeric Gonzales na may special participation.

Second chances

Matapos aminin ni Vic Sotto na engaged na sila ni Pauleen Luna, nag-post naman si Zsa Zsa Padilla sa kanyang social media account na engaged na sila ng boyfriend niyang si Architect Conrad Onglao.

Kung sa December this year magpapakasal sina Vic at Pauleen, next year naman sa France, Italy balak magpakasal nina Zsa Zsa at Architect Conrad.

Parehas second time nina Vic at Zsa Zsa magpapakasal matapos ang failed marriages nila kina Dina Bonnevie at Dr. Modesto Tatlonghari, respectively.

Sana sa kanilang second chances ay may forever na sila.

Happily ever after.

Mukhang “in” ngayon sa showbiz ang marriage proposals.

Kailan naman kaya magiging engaged couples sina Luis Manzano at Angel Locsin, John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, Zanjoe Marudo at Bea Alonzo, Rocco Nacino at Lovi Poe, Erwan Heussaff at Anne Curtis, Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, Jordan Mouyal at Ruffa Gutierrez, Elmo Magalona at Janine Gutierrez, and who else?

Recording contract

Pumirma ng recording contract si Willie Revillame sa GMA Records and soon ay iri-release na ang first single niya, “Nando’n Ako.”

It’s about how love conquers all, ayon kay Willie.

Aniya pa, almost two years ago pa niya nagawa ang mga kantang nakapaloob sa album, katulong si Vehnee Saturno, album producer at award-winning composer.

Itinago lang nila at naghintay sila ng tamang panahon para mai-release ang album.

Ito na ang tamang panahon, kasama ang mga tamang tao sa pagri-release ng kanyang album.

Naging saksi sa contract-signing ang GMA Records Executive Vice President at COO Felipe Yalong, GMA Records Managing Director, Rene Salta at Vehnee Saturno.

comments