Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Alden says he feels something different for Yaya Dub

Alden says he feels something different for Yaya Dub

Aldub

KILIG much pa rin hanggang ngayon ang AlDub Nation sa pagkikita for the second time nina Alden Richards at Yaya Dub (a.k.a. Maine Mendoza) sa kanilang kalyeserye noong nakaraang Sabado (Sept.12).

Nag-worldwide trending ang hashtag #ALDUBTheAbduction na naka-6.35 million tweets in 24 hours.

Nadagdagan pa ito sa mga sumunod na oras. Grabe talaga ang AlDub fever.

Painit nang painit.

Mukhang nagkakadebelopan na sina Alden at Yaya Dub.

Mukhang hindi na umaakting ang dalawa at kitang-kita sa kanilang mga mata at kilos ang pagkakilig sa isa’t isa noong alisin ni Duhrizz (Wally Bayola) ang kanilang blindfold at nagkita sila.

Ibinuking ni Joey de Leon sa last episode ng “Startalk” na sinabi raw sa kanya ni Alden na parang iba na ’yung nararamdaman niya kay Yaya Dub.

Si Yaya Dub, obvious namang kilig much siya kay Alden.

Abang-abang na lang sa pagpapatuloy ng kanilang kalyeserye sa “Eat Bulaga” ang kilig pa more moments ng AlDub love team na posibleng mauwi sa totohanan.

Friends lang

Base sa mga pahayag ni Jasmine Curtis-Smith tungkol kay Brian Llamanzares, mukhang at this point ay friendship lang muna ang kaya niyang i-offer sa anak ni Senator Grace Poe.

Kahit pa kuno’y sinorpresa siya ni Brian at binigyan siya ng bouquet of flowers sa presscon ng isang teleserye niya.

Ani Jasmine, hindi pa siya handang makipagrelasyon muli matapos silang mag-break ni Sam Concepcion. Duda nga ng entertainment press ay hindi pa ganap na nakaka-move-on si Jasmine.

Mukhang may special place pa rin si Sam sa puso ni Jasmine na hindi agad-agad mabubura, lalo pa’t magkasama sila sa isang stage play.

Who knows, posibleng magka-second chance sina Jasmine at Sam?

Noong nag-break sila, wala silang sinabi against each other.

Hindi nila siniraan ang isa’t isa, kaya maluwag sa loob nila na magkatrabaho sa isang stage play.

Kasal na

Kilig pa more ang fans ni Tom Rodriguez sa topless scenes niya sa “MariMar.”

Sa eksenang nag-igib ng tubig at nagsibak ng kahoy si Tom, pinagpistahan ang abs niya.

Hubad pa more ang clamor ng mga beking tumututok sa “MariMar.”

Seksi-seksihan naman si Megan Young bilang Marimar sa revealing outfits niya na kita ang kanyang cleavage at legs.

Ang bilis ng pacing ng “MariMar.” Di na pinatagal ni direk Dominic Zapata ang ligawan nina Sergio at Marimar.

Ikinasal na sila sa huwes pero di alam ni Marimar na peke ’yun. Ipakikilala na siya ni Sergio kina Angelika (Jaclyn Jose), Antonia (Lauren Young) at Renato (Ricardo Cepeda) bilang asawa niya.

Gusto ni Renato bigyan ng engrandeng kasal sina Sergio at Marimar.

Ano kaya ang gagawin ng mag-inang Angelika at Antonia para maagaw ng huli si Sergio kay Marimar?

Tutok lang sa mga kaganapan sa “MariMar” Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “24 Oras” sa GMA Telebabad.

comments