Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » JM hinamon ng suntukan si Enrique

JM hinamon ng suntukan si Enrique

JM de Guzman

MUKHANG hindi pa tapos ang kontrobersiya among Enrique Gil, Jessy Mendiola at JM de Guzman kaugnay ng airplane incident na kinasangkutan nina Enrique at Jessy on their way to London para sa ASAP show.

Naghahamon si JM kay Enrique na magsuntukan sila.

Mukhang nasa fighting mood si JM.

Sa height lang, dehado na si JM. Ang tangkad kaya ni Enrique.

Pero siguro naman, hindi na paaabutin ng management ng ABS-CBN na magkasakitan ang dalawang Kapamilya talents nila.

Siguro naman, may gagawin (o gagawin) hakbang ang pamunuan ng network para pag-ayusin sina JM at Enrique.

May ispekulasyon pa na diumano, naghiwalay sina JM at Jessy dahil sa kinasangkutang kontrobersiya ng huli sa kagagawan ni Enrique.

Wala pang denial o confirmation mula kina JM at Jessy.

Sayang naman ang kanilang second chance kung hindi nila maaayos kung anuman ang problema ng pinagdaraanan nila.

Di kayang maging kabit

First time na katrabaho ni Iza Calzado sina direk Chito Roño, Kris Aquino at Kim Chiu sa “Etiquette for Mistresses.”

First time rin ni Iza gumanap bilang kabit (o mistress), kaya aniya, sa court scene niya, kinailangan niyang kumunsulta sa kaibigan niyang lawyer.

“Kailangan, logical thinker, eh, emotional ako,” sambit ni Iza sa presscon.

In real life, hindi pa niya naranasang maging kabit, ayon kay Iza, kaya medyo nahirapan siya sa kanyang role at the same time, na-challenge siya.

Good thing na parati siyang gina-guide ni direk Chito paano maging strong ang dating niya at hindi pabebe.

Kaya ba niyang maging kabit in real life?

“I don’t think kakayanin ko,” ani Iza.

“Ayoko kasing may kaagaw.

Possessive ako.

Pero mahirap magsalita ng tapos (laughs).”

Non-showbiz ang boyfriend ni Iza, si Ben Wintle at four years na sila together.

Pero anang aktres, wala pa silang planong magpakasal.

Enjoy-enjoy lang muna sila sa kanilang BF-GF relationship.

Di kayang ipagpalit

Sorry na lang sa mga babaeng umaasang kaya silang ipagpalit ni Willie Revillame sa lahat ng kayamanan at karangyaang tinatamasa nito sa buhay.

Sa one-on-one interview ni Joey de Leon kay Willie sa pilot telecast ng “CelebriTV,” tinanong ni Joey si Willie kung kaya ba niyang ipagpalit o isakripisyo ang lahat ng kayamanan niya sa babaeng mahal niya.

Something to this effect na sabi ni Willie, ano naman daw ang mangyayari sa buhay nila kung puro pag-ibig o pagmamahal lang ang paiiralin nila?

Mag-aanak lang sila ng mag-aanak, pero paano nila bubuhayin ang mga ito, kung wala naman silang pera?

Baka naman ayaw lang ni Willie maranasan uli ‘yung pinagdaanan niyang hirap bago siya yumaman?

O, hindi pa dumarating ang babaeng mamahalin niya ng wagas? Sa tamang panahon (sabi nga ni Lola Nidora sa kalyeseryeng AlDub), matatagpuan din ni Willie ang tamang babae para sa kanya.

comments