Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Halik ni Vice, wa epek

Halik ni Vice, wa epek

MARIAN Rivera

Maria Letizia ang name ng baby girl nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Ini-reveal ito ng aktres sa ginanap na baby shower nitong nakaraang Sabado (September 26) sa Marriott Grand Ballroom Hotel.

Ang mommy Amalia ni Marian and her friend Tina Barretto ang nag-organize ng baby shower na malalapit na kamag-anak at kaibigan lang ang dumalo.

Marian is due to give birth in November na aniya, isinunod nila ni Dingdong ang pangalan ng kanilang first baby sa lola ni Dingdong and her dad’s sister na parehong Leticia.

Pinalitan lang nila ng letter z ang letter c at Zia ang nickname ng kanilang little angel.

Pero teka, hindi kaya naisip nina Dingdong at Marian na Zia ang name ng kapatid ni Karylle na ex-girlfriend ni Dingdong?

Hindi kaya palitan nila ang palayaw ng kanilang baby?

Desperate move?

Talking about Karylle, maraming netizens ang bumatikos sa paghalik sa kanya ni Vice Ganda sa lips pa mandin sa “It’s Showtime!”

Sa halip na kiligin ang mga nanood, napa-“Yuck!” sila.

Halatang nabigla si Karylle at wala siyang nagawa nang ulitin pa ito ni Vice.

Ano ‘yun?

Desperate move ni Vice for ratings purposes?

Sorry to say, hindi ‘yun nakatulong para pataubin nila ang “Aldub Kalyeserye” na na nakakuha ng mahigit 24 million tweets ang National Pabebe Wave Day.

Ang “It’s Showtime,” 6-5 million lang kahit pa star-studded ito at ‘andun ang mga pambatong Kapamilya love teams.

Walang violent reaction ang mister ni Karylle na si Yael Yuson sa halik ni Vice na bahagi ng tweet nito’y hindi naman daw kailangang magpaalam pa sa kanya.

Kahit siguro kung dalaga pa si Karylle, parang hindi katanggap-tanggap na halikan siya ni Vice.

Alam ng lahat na self-confessed gay siya.

Di alam

Hindi binigyan ng complimentary tickets ni Glaiza de Castro, kundi binentahan niya si Benjamin Alves para sa kanyang forthcoming first major solo concert.

Billed “Dreams Come True,” gaganapin ito sa Music Museum on October 3.

‘Yung ibang showbiz friends niya’y may complimentary tickets, ayon kay Glaiza.

Siya ang producer at bilang suporta, kaya bumili ng tickets si Benjamin na ‘yung pinakamataas na presyo ang kinuha nito,ayon kay Glaiza.

Ticket prices are P3,000, P2,500 and P1,500.

Hindi lang sinabi ni Glaiza kung ilan ang binili ni Benjamin.

Bukod kay Glaiza, may tsika rin kay Benjamin at sa isang Kapuso female star.

Nang banggitin namin ang name, napa-“Ah! Talaga?

Hindi ko alam ‘yun “ si Glaiza.

Sabi ng Kapuso female star, sinabihan daw siya ni Benjamin na gusto nitong tahimik lang sila.

Hindi kaya may intensiyon si Benjamin na “mamangka” sa dalawang ilog?

Panay ang tanggi niya kapag tinatanong tungkol sa kanila ni Glaiza.

Na-link din noon si Benjamin kay Max Collins.

* * *

CONDOLENCES: Our condolences sa pamilya ng naiwan naming colleague-good friend, publicist, columnist na si Emy Abuan who passed away on September 26.

Ang kanyang labi ay nakahimlay sa Arlington Chapel, Araneta avenue, QC.

Sa Linggo (October 4) ang libing sa Valenzuela Memorial Park, Valenzuela City.

comments