Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Kean inaming girlfriend niya si Chynna

Kean inaming girlfriend niya si Chynna

Gabby Concepcion

KAPUSO na rin si Gabby Concepcion. Matatandaang noong bumalik siya sa Pilipinas matapos ang ilang taong paninirahan niya sa United States, sa GMA7 sana ang unang TV project niya.

But then, nagkaroon ng “gusot” sa negotiations, kaya naudlot ang paglabas ni Gabby sa Kapuso Network. Sa ABS-CBN siya napunta at binigyan siya ng grand welcome na nasaksihan pa namin. Matapos gumawa ng ilang teleserye sa Kapamilya Network, nagtrabaho naman si Gabby sa TV5.

And now, nasa GMA7 na ang actor at sa unang project na gagawin niya’y makakasama niya sa Carla Abellana.

Mag-Kapuso na ngayon si Gabby and his former manager na si Lolit Solis. Inaabangan ang guesting ni Gabby sa “CelebriTV” kung saan co-host ni Lolit sina Joey de Leon at Ai-Ai de las Alas. Willing si Gabby mag-guest at maganda sanang may exclusive interview sa kanya si Lolit.

Tinanggihan?

Si Carla Abellana ang original choice para sa “Little Mommy.” May intrigang diumano’y tinanggihan ni Carla makatrabaho si Nora Aunor na kasama sa cast.

Nilinaw ng isang source na walang katotohanan ’yun. Management decision ’yun dahil may ibang project na ibinigay kay Carla kung saan makakasama niya si Gabby Concepcion. Si Kris Bernal ang ipinalit kay Carla.

Kasama rin sa cast ng “Little Mommy” sina Mark Herras, Sunshine Dizon, Gladys Reyes, Bembol Roco, Eddie Garcia, Juancho Trivinio, Renz Fernandez, Hiro Peralta, among others. Mula sa direksiyon ni Ricky Davao.

Sila na nga

Finally, inamin na ni Kean Cipriano na girlfriend niya si Chynna Ortaleza. Hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa nang tanungin siya ni Boy Abunda sa “Tonight with Boy Abunda” sa estado ng relasyon nila ni Chynna. Sabi ni Kean, ayaw niyang magsinungaling kay Boy, kaya inamin niyang girlfriend niya si Chynna.

“She’s good and she’s the most beautiful girl I’ve seen in my life,” wika ni Kean. Ano kayang reaction nina Danita Paner at Alex Gonzaga na ex-girlfriends ni Kean?

Mukhang so much in love si Kean kay Chynna dahil iniisip na niyang magpakasal. “She’s the future,” sambit pa ng 28-year-old singer at vocalist ng Calla Lily band.

Chynna si 32 years old. Ang first showbiz boyfriend niya’y si Railey Valeroso. They were together for 10 years.

Sa “Fast Talk” ni Boy, tinanong niya si Kean kung sino ang pinakaseksing babae, “Chynna,” ang agad-agad na sagot ni Kean. Letter C naman ang sagot ni Kean sa tanong kung ano’ng pangalan ang nakaukit sa puso niya. Ay, super long hair naman si Chynna.

“Faithful ka ba?” tanong pa ni Boy.

“Oo” agad si Kean.

Hanggang kailan kaya?

Ayon kay Kean, art ang nagkokonek sa kanila ni Chynna. Pareho silang art lovers, aniya.

Panalo

Panalo si Ken Chan sa “Pa-K-Pop Pa More” segment ng “Eat Bulaga” kung saan nakalaban niya ang dating member ng EB Babes. Can sing, dance and act si Ken, kaya naman panalo rin ang acting niya sa “Destiny Rose” bilang Joey.

Inaabangan na ang transformation niya bilang isang babae. Nag-training pa si Ken kay Jonas Gaffud ng mala-beauty queen na pagrampa.

Mamaya sa DR, mahuhuli ni Joey na nagla-love making sina Jasmine (Katrina Halili) at Lance (JC Tiuseco).

Magsusumbong siya kay Gabriele (Fabio Ide), pero pipigilan siya ng dalawa.

comments