Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Marian’s baby coming any day now

Marian’s baby coming any day now

dingdong and marian

HINDI pa rin makapaniwala si Maine Mendoza (Yaya Dub) na magkakaroon siya ng malaking billboard. Noong bata pa siya’y pinangarap niya lang ’yun pero never niyang inasahang matutupad.

Makikita ang malaking billboard nila ni Alden Richards sa kanto ng EDSA at North Avenue sa QC. Ayon kay Maine, kapag dumaraan ang sasakyan nila noon sa EDSA ay tinitingnan niya ang billboards ng mga celebrity.

Sino nga naman ang mag-aakalang ang pantasya ni Maine na magkaroon ng billboard ay matutupad sa tamang panahon? Sumikat siya nang bonggang-bongga. Ang dami niyang product endorsements at patuloy pang dumarating ang maraming offers.

Isang malaking katanungan at inaabangan sa “Sunday Pinasaya” kung si Maine nga ba ang kapalit ni Marian Rivera bilang Judge MD? Matutuwa ang AlDub fans sakaling si Maine nga ang kapalit ni Marian. Magkakasama sila ni Alden Richards na bahagi ng show.

Marian’s baby

Kabuwanan na ngayon ni Marian Rivera and any day now ay manganganak na siya. Sobrang excited sila ng hubby niyang si Dingdong Dantes na makita ang kanilang little bundle of joy na si Maria Letizia.

Hindi lang naman sila ang excited, lahat ay inaabangan ang paglabas ni Baby Z. Kung ano’ng itsura niya. Kung sino’ng kamukha, si Dingdong ba o si Marian?

Kahit naman sino sa kanilang mag-asawa ang kamukha ni Baby Z, maganda ang itsura niya. Parehong mestizo at mestiza ang kanyang daddy at mommy. Parehong may lahing Espanyol ang pamilyang pinanggalingan nina Dingdong at Marian. Purong Kastila ang daddy ni Marian.

Sino nga kaya?

Wala pang opisyal na pahayag ang ABS-CBN kung sino talaga ang gaganap bilang Darna. Nagpaparamdam si Jessy Mendiola. Nag-post pa siya sa kanyang social media account ng picture niyang naka-red two piece bikini at aniya, nasa beach daw kasi siya.

Ang interpretasyon ng mga nakakita, nagpapahiwatig si Jessy na may karapatan siyang mag-Darna. Honest naman siya na given the chance, tatanggapin niya ang role. Why not? Big break ’yun.

But how true na sa mga pinagpipilian ay matunog daw si Maja Salvador? Para sa amin at sa karamihang nakakausap namin, mas bagay kay Liza Soberano. Next year pa gagawin ang Darna and by then, 18 years old na siya. Made-develop na ang katawan niya. Madali namang gawan ’yun ng paraan.

Transformation

Inaabangan na ang transformation ni Ken Chan sa bago niyang karakter sa “Destiny Rose.” Sa tulong ni Armani (Michael de Mesa) ay magpapa-sex change si Joey (Ken Chan).

Bagong karakter din si Megan Young sa “MariMar.” Siya na si Bella Aldama. Nalaman na ni Mia (Alice Dixson) na siya ang nawawala niyang anak na si Bella. Nangako ito na poprotektahan ang anak sa mga gustong manakit dito.

Malakas ang kutob at naniniwala si Sergio (Tom Rodriguez) na si Bella at Marimar ay iisang tao. Patuloy siyang iiwasan ni Bella.

comments