Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jose at Wally nagkabanggaan?

Jose at Wally nagkabanggaan?

CARLA Abellana

PINAG-UUSAPAN pa rin ang interbyu ni Karen Davila kay Alma Moreno sa ANC program nitong “Headstart.” Marami sa mga nakapanood ang naawa sa konsehala dahil parang hirap na hirap siyang sagutin ang mga tanong ni Karen.

Bale ba, Ingles ang mga tanong ni Karen at Tagalog naman ang mga sagot ni Alma. Marami sa mga taga-showbiz ang nakisimpatiya kay Alma, lalo pa’t binatikos siya ng netizens. Na kesyo, wala siyang karapatang tumakbo sa Senado at mag-showbiz na lang daw siya.

Inihahalintulad ng ibang tao si Alma kay Lito Lapid noong kumandidato ito bilang senador. Umani rin ng panlalait si Lapid na kesyo ano raw bang nalalaman niya? Pero nanalo siya at nakailang termino bilang senador.
Mangyari kaya ito kay Alma? Maging senadora kaya siya?

Walang kupas

Inabangan talaga ang pagbabalik-teleserye ni Nora Aunor sa “Little Nanay.” Nag-trending agad ito. Wala pa rin kupas sa galing niya sa pag-arte ang superstar. Heartwarming ang mga eksena ni Nora na ramdam na ramdam ang ipinapahiwatig niyang emosyon.

Magaling din si Bembol Roco na swak talaga sila ni Guy sa aktingan. Walang sapawan at bigayan sila sa mga eksena nila.

Nakatulong kaya?

Kung umamin kaya sina Tom Rodriguez at Carla Abellana na officially together na sila, nakatulong kaya ’yun para kumita ang pelikula nilang “No Boyfriend Since Birth”? Balita kasing hindi kagandahan ang resulta nito sa takilya.

Ang pakiyeme kasi nina Tom at Carla, “what you see is what you get” sa namamagitang relasyon nila. How true na kaya hindi pa nila lantarang maamin ang kanilang relasyon ay dahil may ongoing series pa si Tom, ang “MariMar” kung saan si Megan Young ang kanyang love interest?

Na kesyo, makakasira raw sa tambalan nina Tom at Megan kung aaminin nina Tom at Carla ang kanilang relasyon. Parang hindi naman. Malalawak na ang isipan ng fans ngayon at naiintindihan nila ang reel sa real love team.

Besides, hindi na teenagers sina Tom at Carla. Si Megan ay may Mikael Daez naman in real life at hindi rin nila maamin ang totoong estado ng kanilang relasyon.

Suspendido nga ba?

More than one week nang wala si Jose Manalo sa “Eat Bulaga.” May tsikang diumano’y suspendido siya. May tsika pang diumano’y nagkaroon ng personal issue sina Jose at Wally Bayola. How true, nagkapikunan sila?

Totoo nga bang nai-insecure si Jose kay Wally dahil mas sikat na ito sa kanya ngayon? Mas wagas ang pagtangkilik kay Wally sa karakter niya bilang Lola Nidora sa “AlDub Kalyeserye.” Mas nakakatawa si Lola Nidora at pak na pak ang bawat bitaw niya ng linya kapag nagsalita siya.

Ayon sa tsikang nasagap namin, nagbabakasyon daw sa States si Jose. Parang biglaan naman. Anyway, next week ay balik-Pilipinas na si Jose. Abangan kung balik-“Eat Bulaga” na rin siya.

Kapag wala pa rin siya sa “Kalyeserye,” pwedeng isiping baka may isyu nga sa kanila ni Wally. Wala naman sana at okey sana sila.

comments