Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Cooking wine named Imeldifique

Cooking wine named Imeldifique

SARAH Geronimosarah geronimo

TONIGHT and tomorrow night na ang “From the Top” concert ni Sarah Geronimo sa Araneta Coliseum at inaabangan kung manonood si Matteo Guidicelli.

Palihim na nanood si Sarah ng concert ni Matteo sa Music TMuseum last Saturday (Nov. 28), kaya inaasahan ng kanilang fans na manonood din si Matteo ng concert ng kanyang girlfriend.

Natsikang diumano’y nagkakalabuan ang relasyon nina Sarah at Matteo. Sa pag-watch ni Sarah ng concert ni Matteo, proof na “sila” pa rin.

In any case, kaabang-abang ang mga pasabog ni Sarah sa kanyang two-night concert na prodyus ng Viva Live, Inc. Mga kantang makaka-relate ang audience ang inihanda ni Sarah at for sure, mag-e-enjoy ang lahat.

Gayahin kaya niya si Matteo na pinalitan ng name niya ang lyrics ng isang song para ipadama o iparating ang mensahe ng pagmamahal nito sa kanya (Sarah)?

Imeldifique wine
Very First Lady pa rin ang dating ni Madam Imelda Marcos sa launch ng Imeldifique cooking wine na ginanap sa isang QC restaurant. Collaboration ito ng Destilleria Limtuaco NCompany, Inc. (DLCI) at ng provincial government ng Ilocos Norte kung saan congresswoman sa second district nito ang former First Lady.

Dumalo sa naturang launch ang mga anak ni Rep. Imelda na sina Gov. Imee Marcos at vice presidentiable Senator Bongbong Marcos. Literally, “bumaha” ng maraming pagkain, inumin at delicacies na produkto ng Ilocos Norte na ipinatikim sa guests at media.

Ang Imeldifique cooking wine ay maaaring gamitin sa pag-marinate ng karne and saute in oil, bake or fry. It can also be added to stews for an instant natural sautéed flavor and aroma. Maaari rin itong gamitin sa pag-marinate ng seafoods para maalis ang amoy.

Imeldifique ang unang cooking wine mula sa Norte na may distinct Ilocano flavors. Mga sangkap ang Ilocano garlic, onions and salt. Imeldifique will soon be available in leading supermarkets and specialty stores like SM Kultura.

Kasal na?

May tsikang diumano’y kaya hindi hayagang maamin nina Tom Rodriguez at Carla Abellana ang kanilang relasyon ay dahil kasal na si Tom sa United States. Mariing itinanggi ito ni Tom sa kanyang Instagram account. Aniya, never been married siya at wala siyang problema kahit kanino.

Nakiusap ang Kapuso actor at leading man ni Megan Young sa “MariMar” na huwag bigyan ng kulay ang mga bagay na hindi dapat.

Samantala, paigting nang paigting ang mga kaganapan sa “MariMar.” Tinapat na ni Sergio (Tom Rodriguez) si Antonia (Lauren Young) na hindi niya ito mahal. Natuklasan ni Renato (Ricardo Cepeda) ang panloloko sa kanya nina Angelika (Jaclyn Jose) at Nicandro (Dion Ignacio).

Sa first date nina Gustavo (Zoren Legaspi) at Mia (Alice Dixson), ipinahiram ni Bella (Megan Young) ang kanyang sasakyan, unaware na kinabitan ’yun ng bomba ni Nicandro. Sumabog ang kotse at shocked si Bella.

comments