Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Maine binabatikos

Maine binabatikos

yaya dub

KUNG natakot si Maja Salvador tumabi kay Alden Richards sa nakaraang PMPC Star Awards for TV dahil baka ma-bash siya ng AlDub Nation, wala namang takot si KC Concepcion kantahan si Alden noong nagkita sila sa isang event.

Kinanta ni KC ang “For the First Time” para, an’ya, marinig ito ni Alden nang live. Wala ring takot si KC na ipinost sa kanyang Instagram account ang photo nila ni Alden. Wish nga niyang ’andun si Yaya Dub (Maine Mendoza) para i-dubsmash nito ang kanyang kanta.

Wala namang violent reaction ang AlDub Nation sa “moment” na ’yun nina Alden at KC. Wala namang malisya ang dalaga sa pagkikita nila ni Alden at nag-casual talk pa sila. Ever-friendly naman kasi ang Kapuso actor.

Maski noong PMPC Star Awards for TV, nakipagtsikahan siya sa ilang Kapamilya stars. Wala sa Kapuso actor ang network war.

Bait-baitan?

Kung puring-puri si Alden Richards sa maganda niyang ugali, binabatikos naman si Maine Mendoza dahil diumano’y nagbago na ito. Na kesyo, bait-baitan lang daw si Maine. Kabaliktaran daw ito ng tunay niyang ugali na suplada at isnabera.

Hinala ng kampo at supporters ng dalagang Bulakenya, may kung sino o may grupong nagpapakalat ng negative publicity tungkol kay Maine para sirain siya. Hindi raw kasi matanggap ng mga ito ang instant kasikatan ni Maine.

Nakabog niya kasi ang ibang artistang matagal na sa showbiz industry, pero waley pa ring ningning o aandap-andap pa rin ang bituin. Si Maine, in so short a time, less than five months pa lang sa showbiz, ay naging phenomenal star.

Sangkatutak ang product endorsements at may naglalakihang billboards sa EDSA.

Sa kabila ng paninira kay Maine, solid pa rin ang suporta ng AlDub Nation sa kanya at sa tandem nila ni Alden Richards. Kumbaga nga naman, you cannot please everybody. Tama! Hindi lahat ay pro-Maine. Meron ding anti-Maine at ganyan sa showbiz. Ride on na lang.

Matulad kaya?

Wala ni katiting na selos o insecurity si Janine Gutierrez sa paglipat ni Elmo Magalona sa ABS-CBN. Kahit naman daw magkahiwalay na sila ng pinagtatrabahuhang network, hindi apektado ang kanilang boyfriend-girlfriend relationship.

Career move ni Elmo ang paglipat sa Kapamilya Network at naiintindihan ni Janine ang naging desisyon ng kanyang BF.

Supportive girlfriend siya at never niyang pinigilan si Elmo.

Naisip lang namin, hindi kaya matulad ang relasyon nila kina Paulo Avelino at LJ Reyes? Supportive girlfriend noon si LJ kay Paulo at hindi niya ito pinigilan sa paglipat sa ABS-CBN. Pero kalaunan, ayaw nang pag-usapan ni Paulo ang relasyon nila ni LJ, pati ang lovechild nilang si Aki. Diumano’y pinagbawalan si Paulo.

Eventually, nag-break sina Paulo at LJ. Knock on wood, huwag naman sanang mangyari ’yun kina Elmo at Janine. Ngayong magkahiwalay na sila ng network, masusubukan kung gaano katatag ang kanilang relasyon. May forever kaya kina Janine at Elmo?

comments