Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Maine nag-sorry kay Julie Anne

Maine nag-sorry kay Julie Anne

yaya dub

HINDI naman obligadong mag-apologize si Maine Mendoza kay Julie Anne San Jose, pero nag-effort siyang gawin ’yun.

Binatikos kasi ng AlDub at Maine fans si Julie Anne dahil sa maling tweet ni direk Rich Ilustre na kinumpirma nitong si Julie Anne ang real-life girlfriend ni Alden Richards. Itinanggi ito ng Kapuso actor.

Noong nag-guest si Maine sa “Sunday Pinasaya,” pinuntahan niya sa dressing room si Julie Anne at nag-apologize siya rito on behalf of her fans. Tama ang sinabi ni Maine noong presscon ng “My Bebe Love (#Kilig Pa More!)” na walang dapat pag-awayan. Love, love, love na lang ngayong Kapaskuhan.

Nangako naman ng suporta ang AlDub Nation sa first movie ni Maine, ang “My Bebe Love (#Kilig Pa More),” entry sa 2015 Metro Manila Film Festival kung saan kapareha niya si Alden Richards. Magpapa-block screening ang AlDub Nation.

Ilan kaya?

Sa interbyu ni Jessica Soho kina Alden at Maine sa “Kapuso Mo, Jessica Soho,” kapwa nila inaming starstruck sila sa isa’t isa noong una silang nagkita sa personal. Kinilig siya kay Alden, pag-amin ni Maine at aniya hanggang ngayon ay may kilig pa siya sa Pambansang Bae.

Di na malamig ang Pasko

Merry talaga ang Christmas this year kay Pokwang. Hindi na malamig ang kanyang Pasko dahil kapiling niya ang love of her life na si Lee O’Brian. Ani Pokwang sa presscon ng “All You Need is Pag-ibig,” 17 years na “nganga” ang lovelife niya. As in wala siyang boyfriend.

Sobrang special sa kanya ang Paskong darating na feeling nga niya’y summer dahil sa sobrang hot ng kanilang relasyon. Feeling ganda-gandahan at delicious si Pokwang.

Napansin ng entertainment press ang suot niyang singsing na inakalang engagement ring. Pero ani Pokwang, binili niya ’yun para sa sarili niya. “Binili ko lang sa SM (laughs),” saad ng komedyana.

Siyempre, nangangarap din siyang magpakasal. Pero ani Pokwang, hindi pa nila napag-uusapan ’yun ng kanyang American BF. For now, ang mahalaga’y happy siya with Lee at ramdam na ramdam niya ang love nito sa kanya. Kita naman ’yun sa aura ni Pokwang na blooming ang beauty ngayon because of love.

Wala pang balak magka-baby

More than a year nang kasal sina Jericho Rosales at Kim Jones, pero wala pa silang balak magka-baby. Ani Jericho sa presscon ng “#Walang Forever,” nag-e-enjoy pa silang mag-asawa sa pagta-travel here and abroad.

Ini-enjoy pa nila ang isa’t isa na parang mag-boyfriend-girlfriend pa lang sila. Basta happy lang sila being together, ayon kay Jericho.

Very understanding at supportive wife si Kim, ayon pa sa aktor. Hindi ito selosa. Very secure ito sa kanya. Never naging isyu sa kanila ang trabaho niya bilang isang aktor, ayon kay Jericho.

Kahit alam ni Kim na may kissing scene siya (Jericho) at Jennylyn Mercado sa “#Walang Forever,” wala lang! Deadma lang ang misis niya dahil alam nitong trabaho lang ang ginawa niya, ani Jericho.

Kinilig pa raw at na-excite si Kim noong napanood nito ang trailer ng “#Walang Forever.” Entry ito sa 2015 Metro Manila Film Festival, directed by Dan Villegas and produced by Quantum Films, MJM Productions, Tuko Film Productions, and Buchi Boy Films.

comments