Home » Entertainment » Timing » Janine says Janella’s not a threat to ties with Elmo

Janine says Janella’s not a threat to ties with Elmo

HOPEFULLY, makakalipat na this month si Alden Richards kasama ang kanyang pamilya sa bagong bahay na ipinagawa niya sa Sta. Rosa, Laguna. Christmas gift niya ’yun sa kanyang pamilya, ayon sa Kapuso actor. As always, tradition na nilang magkasamang mag-celebrate ng Pasko, ayon kay Alden.

Super good year kay Alden ang 2015 na bonggang-bonggang bumuhos ang napakaraming blessings sa kanya. Ang dami niyang product endorsements. In demand siya sa mga magazine pictorials at covers. In demand siya sa mga mall at provincial shows.

Kung hindi magiging hadlang ang lagay ng panahon, nasa SM Davao today si Alden para sa isang mall show. Kung walang magiging conflict sa schedule, posibleng kasama si Maine Mendoza, pati sina Ai-Ai delas Alas at Vic Sotto para i-promote ang “My Bebe Love (#Kilig Pa More!). Bongga!

Christmas gift

Christmas gift ni Janine Gutierrez sa kanyang sarili ang binili niyang condominium unit sa Wilson, Greenhills, San Juan City. Hopefully, before New Year or early next year siya lilipat, ayon kay Janine nang nakausap namin sa pocket presscon ng GMA Artist Center for her.

Aniya, mag-isa lang siyang titira sa kanyang condo unit. “Gusto kong maging independent para matutunan ko lahat.

Ako’ng magluluto, kahit prito lang ang alam ko (laughs). Pwede ring magpa-deliver nalang ako. Katabing condo ko ang isang fastfood chain. Ako ang maggo-grocery, maglilinis ng condo. Ipapa-laundry ko ang mga damit ko.”

Hindi pa alam ni Janine kung magkakaroon siya ng bagong teleserye next year. Nag-audition siya sa remake ng “Encantadia” pero hindi pa niya alam kung nakapasa siya. “More Than Words” ang huling ginawa niya with Elmo Magalona.

Naudlot ang teleseryeng dapat sana’y pagtatambalan nina Janine at Alden Richards. Tinanggap kasi at naging phenomenal ang AlDub love team nila Alden at Maine Mendoza.

Hindi ba siya nanghinayang? “No regrets!” sambit ni Janine. “I’m happy for Alden. He deserves all the blessings and popularity na tinatamasa niya ngayon. He is such a good person inside out. Panahon niya ngayon.”

Incidentally, magkalaban ang mga pelikula nila ni Alden sa 2015 Metro Manila Film Festival. Tampok si Janine sa “Buy Now, Die Later,” samantalang tampok naman si Alden sa “My Bebe Love (#Kilig Pa More!).

Magkalaban

Kalaban din ng movie ni Janine Gutierrez ang “Haunted Mansion” na pinagbibidahan naman ni Janella Salvador. Entry ito ng Regal Entertainment sa MMFF.

May gagawing teleserye si Janella kapareha si Elmo Magalona. ElNella ang tawag sa kanilang love team. Ani Janine, hindi siya nate-threaten at expected na niyang gagawan ng isyu ang pagtatambal nina Elmo at Janella.

“Basta ang usapan namin ni Mo (tawag niya kay Elmo), maniniwala lang kami sa sasabihin ng isa’t isa, hindi ng ibang tao. Gusto kong maging successful si Mo,” saad ni Janine.

Samantala, lungkut-lungkutan naman sina Janella at Marlo Mortel na magkasama sa “Haunted Mansion.” First movie nila together, pero agad paghihiwalayin na ang kanilang love team sa pagpasok ni Elmo sa ABS-CBN. Ani Marlo, mami-miss niya ang kakulitan at pang-aasar ni Janella.

No choice sila dahil management decision na paghiwalayin ang MarNella love team. “Nirerespeto namin ’yun. Friends pa rin naman kami ni Janella. Hopefully, magkakatrabaho muli kami in the future,” ani Marlo.

Ayaw ng fans

Malakas din ang hatak ng JerNella love team nina Jerome Ponce at Janella Salvador. Triangle sina Marlo Mortel, Janella at Jerome sa “Haunted Mansion.”

May mga puwersang gustong buwagin ang kanilang triangle.

Pero hindi papayag ang kanilang fans and supporters. Kahit pa ipapareha si Janella kay Elmo Magalona, solid pa rin ang MarNella at JerNella fans.

Sa mall tours ng “Haunted Mansion,” buhos ang suporta ng kanilang fans. Nabulabog ang Star Mall sa Alabang, nawindang ang management ng isang mall sa Divisoria at dinagsa ng maraming tao ang Fisher mall noong nag-promote doon sina Janella, Marlo at Jerome.

Gano’n din ang nangyari sa mall shows nila sa Gaisano Bacolod at sa Starmall sa Bulacan. Sana lang, todo-buhos din ang suporta sa HM na opening day on Dec. 25.

comments