Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Rocco Nacino gets Youth Award

Rocco Nacino gets Youth Award

ROCCO Nacinorocco

A week before Christmas, kasama si Angel Locsin sa out-of-town family trip ng mga Manzano (her boyfriend Luis, his dad Edu, and siblings Enzo and Adi). Noong New Year naman ay kasama ni Angel ang pamilya Recto (Luis’ mom Governor Vilma Santos-Recto, his Tito Senator Ralph Recto, and brother Ryan Christian). Kasama rin ni Angel ang kanyang daddy Angel Colmenares and her younger brother, Angelo.

Ipinost ni Angel sa kanyang Instagram account ang picture na kasama niya sina Luis, Edu, Enzo at Adi. Ipinost din ni Angel ang picture na kasama naman niya sina Luis, Gov. Vilma, Senator Ralph, Ryan Christian, her daddy Angel and brother Angelo. “Family Meets Family” ang caption ni Angel.

Basbas na lang ng kasal ang kulang para maging official member na si Angel ng mga Manzano at Recto. Kailan nga ba ang wedding bells for Luis and Angel? This year na kaya?

Kagagaling lang nina Luis at Angel mula sa kanilang US vacation. Nagpunta sila sa Las Vegas at inakala ng marami na nagpakasal na sila roon. Hindi pa nga kaya? Nag-Caribbean trip din sila.

By the way, marami ang nagsasabing hindi bagay kay Luis ang may bigote’t balbas. Mukha siyang mature. Mas bagay kay Luis ang clean cut look. Okey kaya kay Angel ang new look ng kanyang boyfriend?

Parangal

Tumanggap kamakailan si Rocco Nacino ng Philippine Youth Award for Excellence mula sa 16th Edition ng Mister and Miss Philippine Youth 2016. Sobrang proud and happy ang Kapuso star.

Aniya, “I am excited to take on this responsibility to inspire and empower our youth in order to broaden their opportunities for success in the future.”

Tahimik pa rin at no comment si Rocco sa tsikang diumano’y together again sila ni Lovi Poe. Weeks before Christmas ay nabalitang ’andu’n si Lovi sa family reunion ng lola’s side ni Rocco. Naipost pa nga sa social media ang picture nila kasama ang lola ni Rocco.

Baka may usapan sina Lovi at Rocco na hindi na lang sila magsasalita sa totoong estado ng kanilang relasyon para iwas-intriga na lang. Hindi kaya sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang kanilang peg? Ayaw pa ring umamin ng mga ito na nagkabalikan sila. What you see is what you get, ganu’n ba? Feeling teenagers?

Learning experience

Bahagi pa rin ng Miss World Organization si Megan Young, Miss World 2013. Kahit tapos na ang kanyang reign, may mga activities pa rin siyang kailangang gawin.

Pansamantalang naisantabi niya ang mga ’yun dahil naging busy siya sa taping ng “MariMar.” May blessing naman ’yun ng Miss World organizers para makapag-focus siya sa naturang GMA primetime series.

Farewell episode ngayong Biyernes ng “MariMar. Ani Megan, learning experience sa kanya ang “MariMar.” Marami siyang natutunan sa paggawa ng naturang teleserye. Nag-improve ang pagsasalita niya ng Tagalog. Acting-wise, marami siyang natutunan kay Jaclyn Jose na parati siyang binibigyan ng tips sa tamang pag-arte.

Thankful din si Megan sa ibang co-stars niya tulad nina Tom Rodriguez, Jaya, Ricardo Cepeda, Carmi Martin, Zoren Legaspi, Alice Dixson, Nova Villa, Tommy Abuel, Lauren Young and the rest of the cast sa suporta ng mga ito sa kanya. Abangan daw ang mga pasabog sa pagtatapos ng “MariMar.”

Ani Megan, magbabakasyon muna siya pagkatapos ng “MariMar” and then, makikipag-meeting na siya sa Miss World organizers para sa mga gagawin niyang activities.

Basted

Sa “Destiny Rose,” nagtapat na ng pag-ibig si Gabrielle (Fabio Ide) kay Destiny (Ken Chan). Subalit binasted siya nito. Pursigido si Gabrielle sa panliligaw at gagawin niya ang lahat to win her.

Ipagpipilitan pa rin ni Jasmine (Katrina Halili) ang sarili kay Gabrielle. Siya na lang daw ang mahalin nito dahil mahal na mahal niya ito.

Duda naman ni Lito (Joko Diaz) na buhay pa si Joey (Ken Chan) nang sabihin sa kanya ng isang pulis na ibang tao si Jose Vergara. Sasabihin niya kina April (Sheena Halili) at Daisy (Manilyn Reynes) na buhay pa si Joey. Ipagtapat na kaya nila na si Destiny at Joey ay iisang tao lang?

comments