Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Dingdong and Marian feeling binata’t dalaga uli

Dingdong and Marian feeling binata’t dalaga uli

dongyan4 copy

INAABANGAN na ang official announcement ng GMA 7 kung sino-sino ang apat na Kapuso stars na gaganap na magkakapatid sa remake ng “Encantadia.” Maraming female Kapuso stars ang nag-audition hoping na makakasama sila sa cast ng naturang telefantasya na ipapalabas within this year sa GMA7.

Sina Pirena, Amihan, Alena at Danaya ang apat na bubuo ng magkakapatid na sang’gres. Sa original version ng “Encantadia” ay itinampok sina Sunshine Dizon, Iza Calzado, Diana Zubiri at Karylle. Abang-abang na lang kung sino-sino ang mga bagong sang’gres.

Niligawan

Inamin ni Diego Loyzaga sa “Tonight with Boy Abunda” na niligawan niya noon si Kathryn Bernardo. Sayang at hindi nag-follow-up question si Boy kung binasted ba siya, kaya hindi siya nag-pursue sa panliligaw? O, pinahinto ba siya ni Kathryn dahil sa ka-love team nitong si Daniel Padilla?

Si Sofia Andres naman ang apple of the eye ngayon ni Diego. Na-link si Sofia kay Iñigo Pascual. Nagkasama sila sa pelikulang “Relaks, It’s Just Pag-ibig.” Naging “item” sila noon.

Mukhang mahilig si Diego sa mga babaeng may naunang ka-love team. ’Heard, pagtatambalin sila ni Sofia sa isang bagong project. Hindi kaya dahil dito kaya nagpapahiwatig si Diego na type niya (kuno!) si Sofia? Pang-promo lang kaya ’yun? O, pang-real life? Whatever!

Feeling binata’t dalaga

Feeling binata at dalaga sina Dingdong Dantes at Marian Rivera noong nag-date sila sa isang five-star hotel sa Makati City. Feeling nagliligawan o BF-GF ang mag-asawa.

Ang mommy Amelia ni Marian ang nag-alaga sa baby nilang si Letizia o Zia for short. Sa kanyang Instagram account, pinasalamatan ni Marian ang kanyang mommy sa pag-aalaga sa apo nito.

Next month na bibinyagan si Baby Letizia na two months old na last Jan. 23. Wala pang bagong pictures ng baby na ipinopost sina Dingdong at Marian sa kanilang social media accounts. Request ng kanilang fans na sana raw, pag monthsary ni Baby Z ay mag-post sina Dong at Yan ng pictures ng kanilang baby para makita nila ang itsura nito at masubaybayan nila ang paglaki nito.

Heartbreaker?

Bagaman walang diretsang pag-amin mula kay Luiz Manzano sa hiwalayan nila ni Angel Locsin, iba’t iba ang nakuha naming reactions. May mga nagagalit kay Luis dahil heartbreaker daw siya. Second time na siya ang nakipag-break kay Angel.

Sinayang lang daw ni Luis ang pag-e-effort niyang ma-win back si Angel noong una siyang nakipag-break sa aktres.

Sinira nga ni Angel ang sinabi niyang never niyang binabalikan ang ex-boyfriends niya. Pero nakipagbalikan siya kay Luis. ’Yun pala naman ay sinaktan din muli ni Luis ang kanyang puso.

May nagtatanggol naman kay Luis na baka raw may natuklasan ito kay Angel kaya hiniwalayan niya ang aktres. Noong una silang nag-break, hindi malinaw ang dahilan. Sila lang ang nakaalam.

This time, pareho rin kayang maging tikom ang mga bibig nina Luis at Angel sa dahilan ng kanilang hiwalayan?

comments