Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Show ni Kuya Germs ‘matutulog’ na

Show ni Kuya Germs ‘matutulog’ na

3alden foto copy

MAY mga pumuri’t humanga sa pagdalo ni Pia Guanio sa kasal nina Vic Sotto at Pauleen Luna. Pero meron ding mga nagtaas ng kanilang kilay. May mga nagsabing showbiz ang dating ni Pia.

Naisulat ng isang showbiz writer na dumalo sa kasal na pasenyas lang ang pag-congratulate ni Pia sa mga bagong kasal noong nag-group picture-taking ang “Eat Bulaga” dabarkads. Tanong ng bayan, bakit daw hindi nag-effort si Pia lumapit kina Vic at Pauleen? Na-awkward daw kaya siya?

Obserbasyon pa ng mga nakapanood noong bridal shower ni Pauleen sa EB, all smiles si Pia at nag-message pa siya kay Pauleen. Bakit daw noong mismong kasal nito’y pasenyas lang ang pagbati ni Pia?

Ay, ewan! Si Pia lang ang makakasagot n’yan. Tanong pa ng bayan, bakit daw wala rin si Pia noong Lunes (Feb. 1) sa “Eat Bulaga?” Understandable kung bakit wala sina Vic at Pauleen. By the way, today ang alis ng mag-asawa papuntang Maldives para sa kanilang honeymoon. Ilang araw lang sila roon at balik-trabaho na sila sa EB.

Tanong pa rin ng bayan, kung Pauleen lang ang tawag nina Danica at Vico sa kanilang stepmom, gano’n din kaya ang tawag nina Oyo at Paulina na dalawa pang anak ni Vic? Mas matanda pa kasi sina Danica at Oyo kay Pauleen at halos hindi nagkakalayo ang mga edad nina Vico, Paulina at Pauleen.

Kapag nagkaanak sina Pauleen at Vic, mas matanda pa sa anak nila ang mga apo ni Vic kina Danica at Oyo na married respectively kina Marc Pingris at Kristine Hermosa.

No show

Binigyan ng kulay ang hindi na pagpunta ni Alden Richards sa wedding reception nina Vic Sotto at Pauleen Luna. Sa wedding ceremony lang nagpunta ang Kapuso heartthrob dahil sila ni Maine Mendoza ang naging bahagi sa offertory mass.

Ayon sa tweet ni Maine, gustuhin man ni Alden pumunta sa reception, something came up, kaya kinailangang umalis ni Alden pagkatapos ng wedding. Nakiusap si Maine na wala na lang nega.

Pero bakit si Maine ang nagpaliwanag sa hindi pagpunta ni Alden sa wedding reception nina Vic at Pauleen? Pwede namang agad-agad ay mag-tweet din si Alden para ipaalam kung bakit hindi na siya nakapunta sa reception.
Alam n’yo naman ang fans, lahat ay gustong malaman tungkol sa kanilang idolo.

NBSB

NBSB (no boyfriend since birth) daw si Kiray Celis. At 19 years old, wala pa siyang minahal. Proud siyang sabihing virgin pa siya at aniya, isusuko lang niya ang “Bataan” (virginity) kapag kasal na siya sa lalaking pinili niyang maging forever.

Aniya pa, wala siyang hilig sa night life. Hindi siya nagpupunta sa bar. Hindi rin siya umiinom. Bahay-trabaho lang siya, ayon kay Kiray.

For now, enjoy muna si Kiray sa pagiging single. Gusto muna niyang magpaka-busy sa kanyang career dahil marami pa siyang gustong gawin para sa ikauunlad nito.

Gusto rin niyang makaipon ng pera para maipagpagawa niya ng bahay ang kanyang mommy.

Kasama si Kiray sa “Love is Blind,” pre-Valentine offering ng Regal Entertainment with Derek Ramsay and Solenn Heussaff. Mensaheng hatid ng pelikula’y may pag-asa ang lahat sa ngalan ng pag-ibig, kapos man o sobra sa kagandahan ang isang tao. Sa kuwento ng LIB, pinainom ni Kiray (Fe) si Derek (Wade) ng love potion (gayuma), kaya kapag nakikita siya nito, ang tingin sa kanya ay si Maggie (Solenn). Grabe sa kakikayan at kaharutan si Kiray sa mga eksena nila ni Derek. Showing on Feb.10 ang LIB.

May mall show ang cast sa Starmall Cebu on Feb. 6 at sa Market! Market! on Feb. 7.

Matutulog na rin

Nag-last taping day na ang “Walang Tulugan with the Master Showman” last Friday (Jan. 29). Hanggang next week na lang ito at pagkatapos ng anniversary presentation, tuluyan na ring matutulog ang programang naiwan ni German “Kuya Germs” Moreno.

Paano na kaya ’yung mga aspiring young stars na kasama sa naturang midnight show? Hindi naman lahat ay pwedeng kunin ng network dahil may contract stars sila.

May pahayag pa si Nora Aunor na kung papayag ang Kapuso Network na ipagpatuloy ang WTWTMS, willing siyang ipagpatuloy ang pagtulong sa mga kabataang tinutulungan ni Kuya Germs noong nabubuhay pa ang Master Showman.

Nasabi rin ng superstar na handa rin siyang humalili sa radio program ni Kuya Germs sa DZBB, ang “Walang Siesta.”

Matapos ang libing ni Kuya Germs, not even once na nagparamdam si Nora sa naturang radio program. Ang tatlong badingding lang ang naririnig ng listeners.

Ayon naman sa isang source, isang beses lang nag-taping si Nora sa “Walang Tulugan with the Master Showman” matapos ilibing si Kuya Germs. May tsika pang diumano’y supposedly, tatlong episodes ang ite-tape ng superstar. Pero nakaisang episode lang daw ito at biglang nag-disappearing act na ang superstar. Ang sabi (raw ha?), may taping ito ng “Little Nanay.” Well… Whatever!

comments