Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Young actor wary of social media

Young actor wary of social media

Josh Padilla

AWARE ang Viva young actor na si Josh Padilla sa mga kumakalat na video scandals ng mga actor na kaedad niya. Maingat naman daw si Josh pagdating sa kanyang social media accounts.

“I can say that I am very responsible when it comes to my social media accounts. Better to be safe than sorry, ’di ba?

“I am very careful of what I post on Instagram, Facebook and Twitter. Definitely, no videos of me naked or doing something that might put my career in trouble or malagay ang family ko sa kahihiyan.

“I know my limits and malakas lang po ang resistance ko sa temptation. Kasi isang photo or video lang, it can either make you famous or put you to shame for life,” diin pa ni Josh.

Nagpapasalamat si Josh na may parents siyang parati siyang pinaaalahanan na ma-ging maingat. Ang ama ni Josh ay ang ’80 balladeer na si Gino Padilla.

“My parents always remind me na sa edad ko po ngayon, we are like experimenting on many things – mataas ang curiosity namin sa maraming bagay, especially when it comes to our bodies.

“They always tell me to be accountable. Always think first before doing anything. Hindi kailangang maging impulsive.

“I guess that’s why there are young people of my age, they do certain things kasi they don’t think of the consequences of their actions.

“Basta if they feel na okey at masarap gawin, they do it without even thinking na baka may makakita nito o baka may mag-hack.

“Tao lang tayo to feel that way but we just have to learn how to control ourselves and think of what might happen kung gagawin natin iyon,” diin pa ni Josh.

Kasama si Josh sa cast ng pelikulang “Girlfriend for Hire” ng Viva Films at SMDC. Pinagbibidahan ito nila Andre Paras at Yassi Pressman. (RUEL J. MENDOZA)

comments