Home » News » Local » May birthday nakuryente

May birthday nakuryente

Isang estudyante na magdiriwang sana ng kanyang ika-17 na kaarawan ngayon ang namatay ng siya ay makuryente umano noong Sabado sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Ayon sa Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, ang biktima na si Gerry Panggoy ng Kasiyahan St., Barangay Holy Spirit ay natagpuang nakabitin ni Rodolfo Mendoza at nahulog habang nagpuputol ng mga puno ang mga tauhan ng Barangay Engineering Office sa kanyang lote sa Don Edilberto St., Enrique Heights Subdivision.

Dinala ni Mendoza ang biktima sa East Avenue Medical Center kung saan siya binawian ng buhay. Nagtamo ang biktima ng matinding lapnos sa katawan. (Francis T. Wakefield)

comments