Home » News » News Roundup » Bus natupok sa EDSA

Bus natupok sa EDSA

Isang provincial bus ang nasunog habang binabaybay nito ang kahabaan ng EDSA malapit sa Ortigas station ng Metro Rail Transit sa Mandaluyong City kahapon ng madaling araw.

Ayon sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority, bigla na lamang may lumabas na maitim na usok sa Elavil bus na galing Sorsogon patungong Cubao, Quezon City.

Huminto ang driver na si Joseph Bermeo at pinalabas ang kaniyang 30 pasahero bago nilamon ng apoy ang bus. Walang naiulat na namatay o nasaktan sa sunog na tumagal ng isang oras.

Ayon kay Bermeo maaaring faulty electrical wiring ng bus ang sanhi ng sunog. Natanggal sa kalsada ang bus pagkaraan ng dalawang oras.

Nagdulot ng matinding traffic sa EDSA ang sunog.

comments