Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Maine: Funtastyk baby pa more

Maine: Funtastyk baby pa more

yaya dub

ASAR-TALO ang ginagawa ni Maine Mendoza sa kanyang bashers. Sa halip na mapikon sa mga panlalait sa itsura niya, sinasakyan na lang ni Maine. Ano nga naman ang mapapala niya kung papatulan niya ang kanyang bashers? Sabi nga ng kanyang mga tagapagtanggol, “Mamatay kayo (bashers/detractors) sa inggit!”

Marami ang humahanga sa pagiging kalma lang ni Maine sa kabila ng mga panlalait sa kanyang itsura. It seems, hindi naman nakakaapekto ang mga ito sa estado ng kanyang career at mas lalo pa siyang sumisikat. Patunay ang pagiging in demand niya bilang product endorser. Walang makakapigil, ’ika nga!

Nakabog na ni Maine ang ibang female celebrity endorsers at siya na ang maituturing na Reyna ng Komersiyal sa rami ng kanyang product endorsements. Latest ang CDO Funtastyk Young Pork Tocino. Aniya, another blessing at opportunity sa kanya na siya ang napiling mag-endorse ng nasabing produkto. Noon pa man daw ay paborito niyang kainin ang naturang brand ng tocino.

Kuwento pa ni Maine, naging magaan at masaya ang commercial shoot niya. Iba’t ibang emosyon ang ipinagawa sa kanya.

“I was able to express the real me, kikay, funny. Fantastic baby pa more!” natawa niyang sabi.

Ayon pa kay Maine, delicious, tender ang CDO Funtastyk Pork Tocino na gawa sa young pork at hindi sa inahing baboy.

“Hindi siya malitid at madaling lutuin. Hindi siya sobrang lumiliit kumpara sa ibang brand.”

Engaged couples

Kung may mga naghihiwalay na showbiz couples, meron namang engaged couples. Nariyan sina Rufa Mae Quinto, Isabelle Daza, Camille Prats na next year ang kasal sa fiance niyang si John Yambao.

Kailan naman kaya magiging engaged couple sina Iza Calzado at Ben Whintle? Nasa liyebo tres na rin si Iza. Matagal na ring naghihintay si Rochelle Pangilinan sa marriage proposal ng long-time boyfriend niyang si Arthur Solinap.

Eight years na ang kanilang BF-GF na relasyon.

Sayang at hindi humantong sa pagiging engaged couples sina Luis Manzano at Angel Locsin, John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, Bea Alonzo at Zanjoe Marudo. Halos magkakasunod silang nag-break. Si Zanjoe lang ang umaming break na sila ni Bea. No talk pa rin ang huli.

Ayon naman kina Luis at Angel, may pinagdaraanan sila sa kanilang relasyon, samantalang wala pa ring diretsang pag-amin mula kina John Lloyd at Angelica na hiwalay na sila.

Buking!

Wala pa ring pag-amin mula kina Mikael Daez at Megan Young na officially together sila. Pero sa mga post nila sa kanilang Instagram accounts, hindi na kailangan ang kumpirmasyon.

Magkasama sila recently nagpunta sa Singapore. Ipinost nila ang kanilang pictures together sa kanilang respective IG’s. May kuha sila sa airport na magkatalikod na lumalakad. Merong solo pictures nila sa airport dala ang kanilang respective luggages. Merong kumakain sila sa isang restaurant. Merong namamasyal sila sa Gardens by the Bay, malapit sa Marina Bay sands. Nanood pa sila ng Laneway Music Festival na ang performer ay ang banda ni Saab Magalona.

Hindi nga umaamin sina Mikael at Megan sa estado ng kanilang relasyon, buking naman sila sa mga ipino-post nilang pictures sa kanilang social media accounts.

Magso-sorry

Sa “Destiny Rose,” sasabihin ni Armani kay Destiny na hindi dapat sumusuko sa pag-ibig. Dapat itong ipaglaban.

Papayuhan din ni Yvonne si Gabrielle.

Sa pagkikita nina Gabrielle at Destiny, magso-sorry sila sa isa’t isa. Magpapahayag ng pagmamahal nila sa isa’t isa, magyayakapan at maghahalikan.

comments