Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Dennis at Heart balik-tambalan

Dennis at Heart balik-tambalan

28dennistrillo copy

BIG break ever ni Arci Munoz ang “Always Be My Maybe.” First lead role niya ito. Si Gerald Anderson pa ang kanyang leading man. Kaya naman super thankful si Arci sa tiwala at pagkakataong ibinigay sa kanya ng Star Cinema.

Sa teaser pa lang ng naturang movie na dinirek ni Dan Villegas, mukhang kaabang-abang na itong panoorin. Bagong tambalan, bagong chemistry ang susubukan sa pagsasamang ito nina Gerald at Arci.

Showing this month ang “Always Be My Maybe” na post-Valentine offering ng Star Cinema.

Balik-tambalan

Balik-tambalan sina Dennis Trillo at Heart Evangelista sa bagong primetime series ng GMA. Una silang nagkatrabaho sa “Dwarfina.”

Matatandaang naging crush ni Dennis si Heart at hiya-hiyaan pa noon ang Kapuso actor. Hindi lang nag-pursue si Dennis ng intensiyon niya kay Heart dahil naunahan siya ng hiya.

Naunahan tuloy siya ni Daniel Matsunaga na kung tama kami’y nakasama nila sa “Dwarfina.” Kilig-kiligan pa si Heart noong nainterbyu namin sa set at aniya, maa-upgrade o magle-level up ang lahi ng mga magiging anak nila ni Daniel, sakaling sila ang magkatuluyan.

Kaya lang, nag-break sina Heart at Daniel. Si Senator Chiz Escudero ang napangasawa ni Heart. Happy naman ngayon si Daniel sa relasyon nila ni Erich Gonzales. Si Dennis, bagaman walang opisyal na pag-amin na together again sila ni Jennylyn Mercado, what you see is what you get ang kanilang drama. ’Yun na ’yun!

Deadma pa rin

Deadma at no talk pa rin si Valeen Montenegro sa isyung siya diumano ang pinaghihinalaang third party involved sa separation ni Ciara Sotto and her husband na si Jojo Oconer.

Nagpasaring na si Ciara sa kanyang Instagram account ng hugot line na: “God is not going to bless you with someone else’s husband.”

Bakit kasi ayaw pang pangalanan ni Ciara kung sino ang babaeng tinutukoy niya? Kaya siguro, ayaw magsalita ni Valeen para ipagtanggol ang kanyang sarili at linisin ang kanyang pangalan.

Hanggang walang binabanggit na pangalan si Ciara, deadmatology lang si Valeen.

Si Meg Imperial na nadawit ang pangalan sa hiwalayan nina Ciara at Jojo ay agad nag-deny. Ani Meg, hindi niya kilala si Jojo.

Shocked

Sa “Destiny Rose,” sasabihin ni Jasmine (Katrina Halili) kay Dahlia (Jackielou Blanco) nakaboses ni Destiny ang mama sa cellphone ni Daisy (Manilyn Reynes).

Magpapanggap si Jasmine na janitress sa clinic ng doctor ni Destiny. Makukuha niya ang records ni Destiny. Makikita niya ang pictures ni Joey at Destiny before and after ng operation.

Masa-shock si Jasmine at mako-conclude niyang si Joey at Destiny ay iisa.

comments