Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Betong iwas-tsismis

Betong iwas-tsismis

betong

BAGONG cast member ng “Bubble Gang” si Valeen Montenegro.

Naiintriga nga siya dahil mukha raw paborito siya ng GMA. May “Sunday Pinasaya” pa si Valeen. Tinanggal siya sa “Princess in the Palace” dahil sa kontrobersiya sa kanila ni Ciara Sotto na kasama rin sa naturang serye na prodyus ng Tape Inc.

Maang-maangan si Betong Sumaya na kasama ni Valeen sa “Bubble Gang” nang tanungin namang ito tungkol kina Valeen at Ciara.

Nakausap namin si Betong sa launching cum presscon ng “One Heart” album kung saan nag-contribute siya ng kantang “Sumigaw, Igalaw” along with Nar Cabico. Kinanta nila ito noong presscon.

Sabi ni Betong, wala siyang nalalaman sa isyu tungkol kina Valeen at Ciara. Aniya, masayang katrabaho si Valeen.

“Friendly siya at malapit sa lahat ng boys (sa “Bubble Gang”).

“Ayoko siyang tanungin tungkol sa kanila ni Ciara. Baka isipin niyang tsismoso ako (laughs),” ani Betong.

comments