Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Marian back to work

Marian back to work

Marian Riverara

WALA pa ring official announcement ang GMA Network kung sino sa Kapuso stars ang gaganap na mga sang’gre sa remake ng “Encantadia.” Inaabangan kung sino ang gaganap na Amihan, Pirena, Alena at Danaya. Ang sigurado pa lang na kasama sa cast ay si Marian Rivera na gaganap bilang Inang Reyna.

Comeback TV series ito ng Primetime Queen na huling napanood sa “Carmela.” Magkakaroon din siya ng isang talk show. Magbabalik na rin si Marian sa “Sunday Pinasaya” ngayong Linggo (Feb. 21) bilang Judge MD.

Yes, back to work si Marian after giving birth to Baby Letizia na magti-three months old na on Feb. 23. Bininyagan ang bagets noong Feb. 14 sa isang church sa Makati City.

Kung balik-TV na si Marian, nagtatanong naman ang fans ng hubby niyang si Dingdong Dantes kung ano naman ang next project nito after “Pare ’Koy”? Abang-abang na lang.

Nagluluksa

Kung noong presscon ng “Always Be My Maybe” ay panay ang tawa ni Arci Muñoz na hindi mo mawari kung “nasapian,” days after ay napalitan ’yun ng lungkot sa pagkamatay ng kanyang daddy. Ibinalita ’yun ni Boy Abunda sa “Tonight with Boy Abunda.”

Parang simbolo ng showbiz ang nangyari kay Arci. In high spirits siya noong presscon ng ABMM at aniya, sobrang excited siya at overwhelmed na lead role na siya. Laugh siya nang laugh nang gabing ’yun. Sobrang saya ni Arci.

Nagluluksa naman siya ngayon sa pagpanaw ng kanyang daddy. Sayang at kinamatayan nito ang first lead role ni Arci sa ABMM na ipapalabas na on Feb. 24 sa mga sinehan nationwide. Our condolences kay Arci at sa pamilyang naiwan ng kanyang daddy.

Walang duda

Kung may duda pa ang ibang tao sa namamagitang relasyon kina Xian Lim at Kim Chiu, naniniwala naman si Boy Abunda na may “something” na talaga ang dalawa.

Bonggang-bongga kasi ang surprise Valentine gift ni Xian kay Kim. Pinag-effortan talaga ni Xian ang malaking floral arrangement na korteng puso. Ipinakita ’yun sa “Tonight with Boy Abunda.”

Sabi ni Boy, kung kaibigan mo lang ang isang tao, hindi ka gagastos ng gano’ng kabongga. Ang tanong, si Xian nga kaya ang gumastos nu’n? O, may nag-sponsor lang? Napanood din kasi namin ang sorpresang ’yun ni Xian kay Kim sa “Rated K.” Feeling namin, para sa show lang ’yun dahil Valentine episode ’yun. Whatever!

Sabagay, parati namang may sorpresa si Xian kay Kim tuwing Valentine’s Day at birthday ng dalaga. Effort kung effort talaga ang binata. Pero ang press release nila, walang label ang kanilang relasyon.

Napikon na

Natabunan na ang break-up nina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo, John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban. Hindi na pinag-uusapan ang nangyaring hiwalayan nila. Mas nakatutok ngayon ang media sa hiwalayan nina Luiz Manzano at Angel Locsin.

Kung anu-ano’ng ispekulasyon ang naglalabasan sa dahilan ng kanilang break-up. Pati respective genders nina Luis at Angel ay kinukuwestiyon ng netizens. Bina-bash sila.

May nagsabing “silahis” daw si Luis na ipinagtanggol pa siya ni Angel. Ituro raw sa kanya kung sinon’g nagsabi nu’n at nang masapok niya nang todo.

Napikon naman si Luis sa isang basher sa sobrang panghuhusga at panlalait nito sa kanyang pagkatao. Buwelta ni Manzano, plastic daw ito (basher) at kinuwestiyon naman niya ang pagpapalaki nito sa anak. “I bet, kinakahiya ka ng anak mo para sa pagiging plastic,” bahagi ng post ni Manzano sa kanyang Instagram account.

Bihira o hindi madaling mapikon si Luis. Dinadaan lang niya sa ngiti o joke. Maybe, sumagad na ang pasensiya ng TV host, kaya hindi niya napigilang patulan ang basher.

Nabuko na

Nabuko na ang tunay na pagkatao ni Destiny (Ken Chan) sa “Destiny Rose.” May pasabog si Jasmine (Katrina Halili). Sa harap ng maraming tao’y sinabihan niya si Destiny na pekeng bakla, pinunit ang damit nito sa harapan at natambad ang katotohanang isa siyang lalaki.

Lahat ay nabigla at hindi makapaniwala si Gabrielle (Fabio Ide). Sa labis na kahihiyan ay napaiyak at nagtatakbo palayo si Destiny.

Nag-alala naman si Vince (Jeric Gonzales) noong nalaman niya ang nangyari. Hahanapin niya si Destiny. Kokomprontahin ni Gabrielle si Destiny. Magso-sorry ito. Hindi magawang saktan ni Gabrielle si Destiny.

comments