Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » PPS3 winner Maricris Garcia engaged

PPS3 winner Maricris Garcia engaged

21Maricris Garcia and TJ Cruz copy

MALAPIT nang maging Mrs. TJ Cruz ang Kapuso singer at “Pinoy Pop Superstar” Season 3 winner na si Maricris Garcia.

Nag-propose ang kanyang non-showbiz boyfriend noong nakaraang Jan. 25 habang nagbabakasyon sila sa Baguio City.

Kuwento ni Maricris, nag-propose ang kanyang boyfriend noong bisperas ng kanilang anniversary bilang mag-karelasyon.

“Ang anniversary namin talaga ay Jan. 26. So noong gabi ng Jan. 25 as I was preparing dinner, bumaba siya from the room at nag-abot ng flowers tapos biglang may dinukot siya sa likod niya.

“Iyon na nga ang engagement ring. Hindi na nga niya natanong ang ‘Will you marry me?’ basta sinuot na lang niya ’yung ring and I said ‘Yes!’ right away.”

Busy na ngayon si Maricris at si TJ sa wedding preparations nila.

“Hindi pa kami makapag-decide kung this December or January 2017.

“Marami kasing kinakasal sa mga buwan na ’yan at mahirap makahanap ng church at venue.

“Pero mas preferred ko ang January sana para tama rin sa 5th anniversary namin.

“May kinakausap na naman kami regarding church and venue ng reception. Hopefully, available sila sa date na gusto namin ni TJ. Gusto rin kasi namin somewhere sa Tagaytay.”

Yellow and rustic ang theme ng kanilang wedding. Ang wedding gown naman ni Maricris ay gagawin ng designer na si Cocoy Lizaso.

Ang kaibigan ni Maricris at kasamahan niya sa grupong La Diva na si Aicelle Santos ang magiging maid of honor. Isa naman sa magiging bridesmaids ay ang Kapuso singer rin na si Frencheska Farr.

“Nakaka-stress pala ang mag-prepare ng wedding.

“Mabuti na lang at kasama ko si TJ at ang mommy niya na nakiki-pag-usap sa mga supplier.

“Mabuti na lang at wala akong teleserye na ginagawa. May nakalaan akong time to meet these people na mag-aasikaso ng wedding namin.”

Kasama nga si Maricris sa all-star charity album ng GMA Records na “One Heart.”
RUEL J. MENDOZA)

comments