Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » No hindrance to Kiko-Kim romance

No hindrance to Kiko-Kim romance

Untitled-2 copy

’BUTI pa si Kim Rodriguez, walang kiyeme sa pag-amin sa namamagitang “something” between her and Kiko Estrada. Wala sigurong nagbabawal sa kanila, kaya malayang nakakapag salita si Kim tungkol sa kanila ni Kiko.

Ani Kim, nag-dinner lang sila ni Kiko noong nakaraang Valentine’s Day. Niregaluhan siya ng binata ng dalawang jacket at binigyan siya ng tatlong flowers at heart-shaped cake. How sweet naman!

Kontrabida ang role ni Kim sa “Hanggang Makita Ka Muli.” Aniya, hind isyu kung nagbida na siya sa mga nakaraan niyang teleserye sa GMA.

“Tinanggap ko agad ang role dahil confident naman akong mabibigyan ko ng justice ito. Gusto kong maipakita ang other side of me bilang isang artista. Sobrang napi-pressure lang ako kay direk Laurice Guillen, kaya mas lalo kong ginagalingan ang acting ko,” wika ni Kim. (Rowena Agilada)

comments