Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » There’s nothing to ‘HAPPinas,’ just wordplay, says Ogie

There’s nothing to ‘HAPPinas,’ just wordplay, says Ogie

28OGIE copy copy

NAKIUSAP si Ogie Alcasid na huwag nang intrigahin at bigyan ng kulay ang halos magkaparehong kahulugan ng “HAPPinas” at “PinaSaya.” Ang “HAPPinas” kasi ay mula sa nagbabagong-anyong Sunday noontime show ng TV5 at Viva Communications, Inc., ang “Happy Truck HAPPinas,” kung saan isa sa mga host si Ogie. Ang “PinaSaya” naman ay ga-ling sa “Sunday PinaSaya” ng GMA-7. Diumano’y in-English lang daw ang salita sa title ng kabilang show.

Pero depensa ni Ogie sa presscon ng “Happy Truck HAPPinas,” “Hindi, walang kinalaman po iyan. We were trying to play with the words ‘happiness’ and ‘Pinas.’ Yun ang pinagsama namin. Kasi pag pinagsama yung ‘happiness’ at saka ’yung ‘Pilipinas’ o ‘Pinas,’ magiging ‘HAPPinas. Gets mo yun?”

Pabirong sabi tuloy ng isa sa mga co-host ni Ogie sa show na si Tuesday Vargas sa reporter na nagbukas ng isyu sa presscon, “Papalitan na ulit (ang title ng show) bukas kasi nagreklamo ka daw!”

Samantala, masaya naman si Ogie na kasama pa rin niya sa bagong show ang kaibigang si Janno Gibbs mula sa original hosts ng naunang “Happy Truck ng Bayan.”

Nang matanong naman sila kung masaya sila sa pagbabagong-anyo ng show nila, ipinasa na ni Ogie kay Janno ang pagsagot dito. “Si Janno ang sasagot niyan. Happy ka ba?” tanong ni Ogie kay Janno.

“Oo naman!” sambit ni Janno. “Kaya nga noong binubuo namin itong bagong ‘Happy Truck,’ isa sa mga pinag-usapan naming ay sana same pa rin ’yung cast, dagdagan lang natin. Kasi nga sobrang enjoy na enjoy kaming magkakasama at sobra na ’yung pag-jell natin, habang tumatagal e ang ganda ng chemistry naming lahat.”

Bukod kina Ogie, Janno at Tuesday, na-retain din mula sa original hosts sina Gelli de Belen, Derek Ramsay, Empoy, Tom Taus, Kim Idol, Alwyn Uytingco, Ritz Azul, Eula Caballero, Mark Neumann, at Akihiro Blanco. Nadagdag naman ang Viva artists na sina Alonzo Muhlach, Shy Carlos, Yassi Pressman, Meg Imperial, Sam Pinto, Bangs Garcia, Ella Cruz, Roxee B, Kim Molina, Monica Cuenca, Andrew Muhlach, VJ Marquez, Jason Salvador, Owy Posadas, Jack Reid, at Sugar and Spice. Mapapanood ang “Happy Truck HAPPinas” tuwing Linggo, 11 a.m., sa TV5 simula sa March 6. (GLEN SIBONGA)

comments