Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Heart 18 years na sa showbiz

Heart 18 years na sa showbiz

HEART Evangelista

Eighteen years na si Heart Evangelista sa showbiz noong Biyernes (Feb. 26).

“Wow…today I turn 18 years in showbiz,” ang naging tweet ni Heart sa kaniyang 1.19 million followers sa Twitter.

Mula sa isang teen star sa youth-oriented show ng ABS-CBN na “G-mik,” isa na ngayong serious dramatic actress ang asawa ni Sen. Chiz Escudero.

Bukod sa paggawa ng pelikula at television shows, unti-unti na ring nakikilala si Heart bilang visual artist. Kilala siya bilang si Love Marie, a tunay na pangalan niya, sa naturang larangan.

Halatang inspired si Heart sa kaniyang married life dahil lalong namukadkad ang talent niya sa sining mula nang ikasal sa senador.

Kamakailan lang nang idaos ang Fashion Show Gala nila ng designer na si Mark Bumgarner kung saan inirampa ang hand-painted dress ni Heart.

Bukod sa mga gown, nagpipinta rin sa mga designer bag si Heart.

Nakapag-launch na din si Heart ng sarili niyang beauty book at dalawang beses na nagdaos ng art exhibit sa Ayala Museum.

Pang-international na rin ang beauty ni Heart dahil may nakatakda siyang culinary show na ipalalabas sa Star World Asia.

comments