Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Vic Sotto’s daughter Paulina engaged

Vic Sotto’s daughter Paulina engaged

3paulina copy

PAGKATAPOS ikasal ang TV host-comedian na si Vic Sotto kay Pauleen Luna noong nakaraang Jan. 30, ang kanyang anak na babae naman sa dating commercial model na si Angela Luz ang magpapakasal.

Engaged na ang anak ni Vic na si Paulina Sotto sa longtime boyfriend nitong si Jed Salgado Llanes noong nakaraang Feb. 25.

Naganap ang pag-propose ni Jed kay Paulina sa harap ng kanilang pamilya.

Isa namang malakas na “yes” ang sagot ni Paulina sa tanong ni Jed na “Will you marry me?”

Sa Instagram account ni Paulina ay pinost nito ang engagement ring na bigay ng kanyang fiancé na si Jed.

“Before I met @jedllanes10, I really thought this wasn’t going to happen for me. I love you babe and I can’t wait to marry you. #YES,” caption pa ni Paulina.

Sa naganap na engagement party, kasama ni Paulina ang kanyang mga kapatid sa ama na sina Oyo Sotto, Danica Sotto-Pingris at Vico Sotto.

Nandoon din sa party ang misis ni Oyo na si Kristine Hermosa at kasama rin ni Danica ang mister niyang si Marc Pingris.

Kasama rin nila ang ilang members ng pamilya ni Jed na masayang-masaya sa naging engagement ng dalawa.

Hinihintay na lang ay ang date ng wedding ng dalawa.

Tapos sa kursong Communication sa Ateneo de Manila University si Paulina samantalang sa Harvard University Extension School in Cambridge, Massachusetts, USA nakatapos si Jed with a course in Sustainability.

Si Jed ay great grandson ng dating presidente ng Pilipinas na si Diosdado Macapagal.

Maraming mga bagay na parehong gusto nila Paulina at Jed. Unang-una ay pareho silang mga artists. Si Paulina ay may interes sa visual arts samantalang si Jed ay may hilig sa music. Miyembro siya dati ng Ateneo Blue Symphony Orchestra.

Pareho rin silang mahilig sa sports. Si Paulina ay isang multi-awarded golf player samantalang si Jed ay bemedalled runner naman.

Pareho ring nagkaroon ng guest appearance sina Paulina at Jed sa pelikulang “My Bebe Love” kung saan bida si Vic Sotto, Ai-Ai delas Alas, Alden Richards at Maine Mendoza. (Ruel J. Mendoza)

comments