Home » News » Local » 2 nene minolestya

2 nene minolestya

Isang 55 taong gulang na lalake ang arestado matapos umano nitong dilaan at hipuan ang maseselang bahagi ng katawan ng dalawang batang babae sa Navotas City noong Sabado ng gabi. Kinilala ng mga pulis ang suspek na si Eduardo Masiglat.

Ayon sa imbestigasyon, naglalaro ang mga biktima malapit sa bahay ng suspek ng bigla itong lumabas at sapilitang hinubad ang kanilang mga damit. Dinilaan umano ng suspek ang ari ng isang bata habang hinipuan naman ang isa.

Binantaan ng suspek ang mga bata pag nagsumbong sila pero hindi nila ito inalintana. Ipinaalam ng mga biktima ang nangyari sa kanilang mga magulang na nagsumbong sa mga pulis. Inaresto sa kanyang bahay ang suspek sa paratang sa kanya at sinabing naglalaro lamang sila. Nakakulong ang suspek sa Navotas police headquarters. (Jel Santos)

comments