Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » ‘Destiny’ sports new look

‘Destiny’ sports new look

ken chan

BAGO ang hairstyle ni Ken Chan sa “Destiny Rose.” Mas bumagay sa kanya ang straight at shoulder-length na buhok.

Binago rin ang kanyang make-up at lalo siyang nag-mukhang girl na girl bilang Destiny.

Nalalapit na ang pagtatapos ng “Destiny Rose” at nag-last taping na sila noong nakaraang week. Sad nga si Ken at aniya, pagbasa niya ng script sa huling pahina nito’y bumungad ang salitang “Wakas”.

Ayaw pa nga raw niyang gawin dahil nahirapan siyang isabuhay ang eksena.

Ayaw sabihin ni Ken kung kanino siya mapupunta… kung kay Gabrielle (Fabio Ide) o kay Vince (Jeric Gonzales).

Maganda ring abangan kung matatanggap na rin si Destiny ng ama niyang si Lito (Joko Diaz). Tutok lang sa mga kaganapan ng “Destiny Rose” sa GMA Afternoon Prime.

comments