Home » News » Local » Susan, gustong mahanap ni Grace ang mga tunay na magulang

Susan, gustong mahanap ni Grace ang mga tunay na magulang

Kahit na naresolba na ng Korte Suprema ang mga kwestyon sa pagka-Pilipino ni Sen. Grace Poe, gusto pa ring matunton ni Ms. Susan Roces ang mga tunay na magulang ng kaniyang itinuturing na anak.

Ito ay para na rin sa kabutihan ni Grace sa kalaunan ayon sa biyuda ni “Da King” Fernando Poe Jr.

“Kasi kung hindi mo alam ang genetic makeup mo, kapag nagkakasakit ka o ang mga anak mo, pag tinanong ka ng medical history, wala kang masagot,” sey ng “Reyna ng Pelikulang Pilipino” sa isang panayam sa set ng “Ang Probinsyano.”

Si Grace na napulot sa simbahan ng Jaro, Iloilo noong Setyembre 3, 1968 ay pinalaki at inadopt ng mag-asawang “Da King” at Susan.

Ayon naman kay Grace, patuloy pa rin siya sa pagtunton ng kaniyang mga tunay na magulang bagamat ayaw niya itong makulayan ng pulitika.

comments