Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Mikael: You can be curious but careful

Mikael: You can be curious but careful

Mikael Daez

SA nangyayari ngayong pagkalat ng sex videos ng ilang male actors ngayon sa showbiz, hindi nakawala sa usapang ito ang Kapuso leading man na si Mikael Daez.

Kung matatandaa’y nagsisimula pa lang si Mikael noon sa GMA-7 nang biglang may kumalat na nude photo raw niya.

Ayon sa isang source, matagal na raw photo iyon ng aktor noong kasalukuyang modelo pa lang ito. Personal na litrato raw niya iyon para sa kanyang girlfriend noon.

Pero walang ginawang pag-amin si Mikael tungkol sa litratong iyon.

Naging tahimik lang siya noong kasalukuyang mainit ang issue na iyon.

Ngayon ay biglang nabuhay ulit ang issue at ito ang natanong sa kanya sa press conference ng GMA primetime teleserye na “Poor Señorita.”

“I never admitted to anything with regard to that photo. Nagulat na lang ako na biglang tinatanong na naman ako about that, eh ang tagal na no’n.

“Panahon pa noong nasa teleserye ako na ‘Amaya’ noong naging issue ’yan. Maybe because may issues on sex videos ng mga actors ngayon na kumakalat kaya naalala nila ’yung issue na iyon sa akin.

“Pero wala pa rin akong aaminin tungkol sa photo na iyon,” diin ni Mikael.

Kung meron man siyang maiku-comment tungkol sa sex videos ng co-actors niya, sana raw ay naging maingat sila.

“When you’re young, you tend to do things na akala mo ay okey lang. Tao ka lang naman to make mistakes. Nasa huli naman ang pagsisisi talaga, eh.

“Sana naging mas maingat sila. With all these new technologies, ang dali nang makita lahat ng nasa cellphone or laptop mo.

“Walang masama sa maging curious ka, basta marunong kang mag-ingat. Think of the consequences that might happen sa mga ginagawa mo,” pagtapos pa ni Mikael Daez na ka-partner ang Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa “Poor Señorita.” (RUEL J. MENDOZA)

comments