Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Kim ready for bashing after birthday concert

Kim ready for bashing after birthday concert

Kim Chiu

SANAY na raw si Kim Chiu sa pamba-bash sa kanya ng netizens. Deadma na lang ang tsinitang actress at hindi raw siya apektado sa mga panlalait/panghuhusga sa kanya.

Magkakaroon ng birthday concert si Kim next month at expected na niyang kung anu-anong panlalait ang ipo-post ng netizens. Aminado naman si Kim na hindi siya singer. Thankful pa rin siya na binigyan siya ng pagkakataong makapag-concert.

Kung si Anne Curtis nga na hindi rin singer ay naitawid ang pagko-concert, sa Araneta Coliseum pa, why not Kim?

Lakasan lang naman ’yan ng loob. Si Anne, dinaan sa sexy costumes. Ano naman kaya ang pasabog ni Kim?

Sa Kia Theater gaganapin ang concert ni Kim. Hindi kalakihan ang venue, kaya siguro naman ay kayang punuin ’yun ng fans and supporters ni Kim.

comments