Home » News » Local » Scavenger hinataw

Scavenger hinataw

Natagpuang patay ang isang scavenger sa isang kalye sa Quezon City noong Biyernes Santo.

Kinilala ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit ang biktima na si Christopher Reyes.

Natagpuan ang bangkay ng biktima sa isang bahay sa 11th Jamboree St. sa Barangay Sacred Heart ni Justin Solano, isang palaboy.

Ayon kay Solano, ginising siya ng isang parking boy at sinabing bumagsak sa kalye at duguan ang biktima.

Agad nilang tinawag ang barangay na tumawag ng pulis. Sinabi ng mga pulis na namatay ang biktima ng hatawin ito sa ulo.

Sinabi ni PO2 George Caculba na natagpuan ang isang kahoy na may dugo sa 11th Jamboree St. na hinihinalang ginamit sa pagpatay kay Reyes. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments