Home » News » Local » Lalake pinatay sa Pasig

Lalake pinatay sa Pasig

Isang lalake ang binaril at napatay ng isang hindi pa nakikilalang salarin sa Pasig City noong Sabado Gloria.

Kinilala ng Eastern Police District ang biktima na si Jogar Gabat ng Villa Monique, Barangay Pinagbuhatan. Ayon sa asawa ng biktima na si Ida, nasa loob siya ng kanilang bahay ng makarinig siya ng mga putok ng baril sa labas.

Lumabas siya upang tingan kung ano nangyari at nakita na lamang niya ang kanyang asawang nakabulagta. Namatay ang biktima sa isang tama ng bala sa ulo. Walang makitang dahilan ang asawa ng biktima upang patayin ang kanyang asawa.

Sinabi ni Ida na hindi sangkot ang kanyang asawa sa anumang away o sa illegal na droga. Masusi nang iniimbestigahan ng mga pulis ang kaso. (Betheena Kae Unite)

comments