Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Ruru afraid of dogs, cats, roaches

Ruru afraid of dogs, cats, roaches

RURU Madrid

MAY eksena si Ruru Madrid sa “Naku, Boss Ko!” kung saan pumasok siya sa isang bahay na nasusunog. Aniya, hindi siya nagpa-double dahil gusto niyang ma-experience kung ano ba ang pakiramdam kapag nasa ganoong sitwasyon.

May mga nakaantabay naman daw na paramedics, sakaling magkaroon ng aberiya sa taping. Sabi ni Ruru, mas natakot siya sa asong kasama niya sa eksena kesa sa sunog. Askal (asong kalye) ang aso at aniya, natakot siyang baka kagatin siya.

Ani Ruru, may phobia siya sa aso dahil nakagat na siya noong bata pa siya. Takot din siya sa pusa dahil nangangalmot ito. Takot siya kapag tumitingin ito na parang nanlilisik ang mga mata.

“Takot din ako sa ipis, lalo na kapag lumilipad. Takot din ako sa daga. Mas okey sa akin ang butiki, ahas at tigre,” wika ni Ruru.

Kasama ni Ruru sa “Naku, Boss Ko!” si Gabbi Garcia. Girlfriend na ba niya ito?

“Hindi pa naman po,” ani Ruru. Ibig sabihin, may posibilidad na maging “sila”? Abang-abang na lang pag may time.

Patama sa mga kandidato sa May 9 elections ang tema ng “Naku, Boss Ko!” na two weeks mapapanood simula April 25, bago ang “Saksi” sa GMA7. Tampok din sina Leo Martinez at Tessie Tomas.

comments