Home » News » Local » Gang member inutas sa Pasay

Gang member inutas sa Pasay

Pinagbabaril hanggang mamatay ang isang dating preso sa Pasay City noong Sabado ng gabi. Kinilala ng Pasay police ang biktima na si Rafael Oblea, alias “Sisiw,” 30, miyembro umano ng Sigue-Sigue Sputnik Gang at nakatira sa Tramo Riverside, Barangay 156, Zone 16, Pasay.

Ayon sa ulat na natanggap ni Senior Supt. Joel Doria, hepe ng Pasay police, bibili umano ng shabu ang biktima sa harap ng isang bahay na umano ay drug den sa Apelo Cruz St., Barangay 157, Zone 16, ng siya ay pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang lalake. Agad na namatay ang biktima dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Kaagad na ipinagbigay alam ng mga saksi ang nangyari kay barangay ex-officio Ricardo Odenel. Nakita ni Odenel ang bangkay ng biktima at kaagad ipinagbigay alam sa mga otoridad. Sinabi ng mga pulis na addict ang biktima ayon sa mga residente at kalalabas lamang nito sa Pasay City Jail dahil sa mga patong patong na kaso sa Pasay. Dinala ang bangkay ng biktima sa Veronica Funeral Homes sa Pasay. (Martin A. Sadongdong and Jean Fernando)

comments