Home » News » Local » Porter natagpuang patay sa QC

Porter natagpuang patay sa QC

Natagpuang patay ang isang porter sa loob ng isang palengke sa Quezon City kahapon. Kinilala ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit ang biktima na si Jomar Porio.

Nagtamo ng mga saksak sa katawan ang biktima na nakapatong sa loob ng isang kariton sa Riverview Market sa Barangay Balingasa. Nakita ng mga pulis ng QCPD Station 1 ang katawan ng biktima pagkatapos nilang makatanggap ng tawag na may patay sa loob ng palengke.

Nakilala ang biktima sa pamamagitan ng kanyang Riverview Market identification card at dinala ang kanyang bangkay sa Light Funeral Homes sa Quezon City. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments