Home » News » Local » Robin backs Kylie’s dream

Robin backs Kylie’s dream

NALAMAN namin kay Kylie Padilla na sinamahan pala siya ng kanyang papa Robin Padilla noong nagpaayos siya sa isang salon para sa story con ng remake ng “Encantadia.” Bago ang storycon, ipinakilala muna live on TV sa “24 Oras” ang mga gaganap na sang’gre.

Kay Kylie natoka ang role bilang sang’gre Amihan. Mula sa salon, inihatid pa ni Robin si Kylie sa Studio 7 ng GMA Annex kung saan ginanap ang story con.

May mga fight scene si Kylie sa “Encantadia” at sumasabak na siya sa matinding training bago simulan ang taping nito. May kaalaman na siya sa martial arts, dahil maliit pa siyang bata’y tinuruan na siya ng kanyang papa Robin.

Dream ni Kylie maging female action star. Why not?

comments