Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Diego says he and Sofia are close friends

Diego says he and Sofia are close friends

diego loyzaga copy copydiego

BINIGYANG-linaw ni Diego Loyzaga ang usap-usapang may relasyon na umano sila ng young actress na si Sofia Andres.

May mga nag-aakala kasing mag-boyfriend na ang dalawa dahil sa kilig photos na ipino-post nila sa social media.

“Magka-love team po kami ni Sofia. Pero hindi namin maiwasan that we got along with each other. ‘Yun lang ‘yon. We are really close friends lang talaga,” paglilinaw ni Diego nang mag-guest sila ng mommy niyang si Teresa Loyzaga at kapatid na si Joseph sa “Magandang Buhay” ng ABS-CBN noong April 20.

Ayon naman kay Teresa, na-meet na raw niya ang young actress. “To be honest, I’ve met Sofia, I’ve met the mom. She is very nice.”

May love advice pa si Teresa para sa dalawang anak na lalaki. “Look at your mom, look at what I went through, learn and don’t ever hurt any woman intentionally,” ani Teresa.

Ano naman ang reaksyon ni Diego sa advice ng mommy niya? “Siyempre po wala namang taong may gustong intentionally na saktan… babae man o lalaki, na saktan ang isang kapwa tao. But may hugot si mom doon. But mom, maipapangako ko iyan sa iyo,” sabi ni Diego.

Anak ni Teresa si Diego sa aktor na si Cesar Montano. (GLEN SIBONGA)

comments