Home » News » Local » Falling in and out of love: Samu’t saring tsika

Falling in and out of love: Samu’t saring tsika

MATAPOS manligaw (kuno!) ni Renz Fernandez kay Kris Bernal, si Hiro Peralta naman ang diumano’y nanliligaw kay Kris.

Nagkasama silang tatlo sa “My Little Nanay.”

Sina Hiro at Kris ang magkatambal. Pero si Renz ang nabalitang nanligaw (kuno!) kay Kris. Totohanan na kaya ang panliligaw diumano ni Hiro kay Kris? Hindi kaya paasa o pa-fall na naman ang petite Kapuso star kay Hiro?

Break na nga ba sina Kiko Estrada at Kim Rodriguez? May tsikang diumano’y napo-fall na si Kiko kay Barbie Forteza.

How true?

Hindi kaya dahil magkasama sila sa “That’s My Amboy”? Between Andrei Paras and Kiko, mas marami ang nagsasabing mas bagay sina Kiko at Barbie. Sobrang tangkad daw kasi ni Andrei para kay Barbie.

May tsika ring diumano’y break na sina Juancho Trivino at Ash Ortega. May inamin ba sila tungkol sa kanilang relasyon? Si Louise de los Reyes kasi ang leading lady ni Juancho sa isang upcoming GMA teleserye, kaya hindi na nakakapagtaka na may “lumulutang” na diumano’y break na sina Juancho at Ash.

Pinapalutang na nga ang balitang diumano’y nag-date na sina Juancho at Louise. Sa pagkaalam namin, may someone special ngayon si Louise. Tama ba ang tsikang nakarating sa amin na miyembro ng isang banda ang inspirasyon at nagpapasaya ng puso ngayon ni Louise?

May tsika ring diumano’y break na sina Janine Gutierrez at Elmo Magalona. Dahil kaya si Aljur Abrenica ang leading man ni Janine sa “Once Again”?

Kasama rito si Christopher de Leon at first time makakatrabaho ni Janine ang kanyang lolo. Aniya, excited at looking forward siya sa mga eksena nila together. May kaunting kaba at pressure dahil multi-awarded actor ang kanyang lolo Christopher.

comments