Home » News » News Roundup » Houseboy arestado sa rape

Houseboy arestado sa rape

Tiklo ang isang stay-in houseboy pagkatapos umano nitong tinangkang gahasain ang anak na babae ng kanyang amo sa Pasig City noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ng Pasig police ang suspect na si Wilbert Dimarangan, 20. Ayon sa imbestigasyon, nagising ang ama ng biktima, 21, dahil tumili ito at humingi ng tulong.

Pinuntahan ng ama ng biktima sa kanyang kuwarto at nakita ang suspect na brief lang ang suot. Tumakas ang suspect pero siya ay nahuli ng mga barangay tanod.

Ayon sa biktima, tinangka siyang gahasain at sakalin ng suspect. Sinabi ng suspect na nagawa niya ito dahil gusto niya ang biktima.

Dismayado ang ama ng biktima sa suspect at nangakong sasampahan niya ito ng kasong rape kahit humingi pa ito ng tawad. Itinuring ng ama ng biktima na parang anak ang suspect na nagsimulang magtrabaho sa kanila pitong buwan na ang nakakalipas.

comments